Narrator's POV
(Pagkaalis ni Venice nagtataka ang mag ina dahil alam nila na kakagaling sa iyak ng dalaga dahil sa namumugto nitong mga mata. "Bat kaya umiyak ang batang iyon?" tanong ng ina sa kakambal ni Xavier na si Xander. "Ewan ko, baka umiyak na naman siya dahil kay Xavier." Di na sumagot ang kanyang ina. "Kung sana ako na lang ang gusto niya edi sana di siya umiiyak ngayon" bulong ni Xander sa sarili. Lumingom ang kanyang ina sa kanya. "Ano yung binubulong mo?" tanong ng ina. "Ahh wala po" nagpatuloy na sila sa paglalakad patungo sa kwarto ni Xavier.
Nakita nga nila na may kasama ang binata. Kilala naman nila ito dahil pinakilala ni Xavier si Penelope sa kanyang pamilya bilang nobya niya. Natigil ang dalawang magkasintahan sa pag uusap ng dumating sila Xander.
Agad lumapit si Penelope sa ina ng nobyo at nagmano rito. Ngumiti na lang ang ina sa dalaga. Nang makalapit ang ina kay Xavier agad niyang binigay kay Xavier ang sulat na galing kay Venice.
"Anak may pinabibigay nga pala si Venice sa iyo" sabi ng ina. Inabot ni Xavier ang sobre at nilagay niya ito sa lamesa na katabi ng kanyang kama. "Anak matulog ka kaya muna?" suwestiyon ng ina "Sige po, inaantok na din ako eh". "Babe matulog lang ako saglit, aalis ka na ba o mag stay ka muna dito?" tanong niya kay Penelope "Ahh dito muna ako babantayan muna kita" sabi ng dalaga. Bago matulog ang binata ay kinuha niya muna ang kanyang cellphone at may tinext siya ng mabilis.
Pagtapos nun ay natulog na siya. nagpaalam muna ang mag ina sa dalaga na lalabas muna at bibili sila ng makakain. Tumango lang ang dalaga bilang pag sagot. Nang makalabas na ang mag ina agad pumunta si Penelope sa kabilang side ng kama. Kinuha niya ang asul na sobre at tinapon ito sa basurahan.)
Pagdating ni Venice sa bahay nila agad siyang nagkulong sa kwarto para umiyak, nasasaktan siya sa mga nakita niya kanina.
Matagal ng gusto ni Venice si Xavier pero kahit minsan ay di siya pinansin oh kinausap ng binata. Kung kakausapin man siya nito ay malamig ang pakikitungo sakanya.
Kaya ng malaman niyang mayroon ng girlfriend si Xavier nasaktan rin siya pero di katulad ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Dahil ngayon nakikita niyang masaya si Xavier nakita niya yung masasayang ngiti at tawa ni Xavier na di niya man lang nakita kapag pumupunta ito sa bahay ng binata.
Sa kanyang pag iisip ay may biglang nag text sa kanya kaya tinignan niya ito "Venice sabi ng teacher natin di ka na niya bibigyan ng exam" sabi ng kaklase niya sa text.
Nanlumo lalo si Venice sa nabasa at naisip niya na sana pumasok na lang siya imbes na puntahan si Xavier sa ospital na wala namang pakialam sa kanya.
Edi sana di niya na lang niya nakita yung dalawang magkasintahan na masaya, at dapat di siya umiiyak at nasasaktan ngayon kung pumasok siya sa kanyang eskwelahan.
May nagtext ulit kay Venice pero unregistered number ito, "Sorry" yan ang laman ng text nagtaka siya at di niya na lang nireplyan iyon.
Gusto niyang umasa na galing sa binata ang text na yun, pero pinigilan niya ang sarili dahil baka masaktan na naman siya.
Di napansin ni Venice na nakatulog na pala siya sa kakaiyak.
~~~~~
Thank you for reading!~
GodBless! *mwah!*
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryMga stories ko po na bigla biglang pumapasok sa isip ko. HAHAHA Enjoy!