Fake Love

44 0 0
                                    

Claire's POV

Ako lang ang mag isa ngayon sa bahay. Lagi naman eh i mean not all the time. Palagi kasing may pinupuntahan si mama kasi bussiness woman siya and dito lang sa bahay ang office niya. Si ate naman ay may work na. Kakatapos niya lang ng college and i'm proud dahil may kapatid akong cum laude hihi.

12 pm na pero di pa rin ako kumakain. Hindi naman sa di ko kayang magluto pero kasi ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Bat kasi ngayon pa ako nagkasakit kung kelan wala akong kasama hays.

Dahil summer ngayon ay binuksan ko ang aircon dahil sa sobrang inet. Nakalimutan kong may sakit ako kaya heto ako ngayon ay ginaw na ginaw sa loob ng kwarto.

Di naman gaanong malamig pero giniginaw ako dahil na rin siguro sa sakit ko.

"Aish nagugutom na koo! Ma dumating ka naaa" sabi ko habang tinitext ko si mama na umuwi na.

Nagreply naman siya agad pero ang sabi niya ay di siya agad makakauwi dahil malayo ang pinuntahan niya ngayon. Kaya titiisin ko na lang ang gutom ko hays.

Matutulog na lang sana ako para di ko maramdaman ang gutom ko at baka sakaling gumaan gaan ang pakiramdam ko nang marinig ko na may nag doorbell.

*ding dong*

Lumiwanag ang mukha ko bumangon ako agad para pag buksan ng pinto kung sino man ang nag doorbell.

"Baka si ate na yun yes may kasama na ako" sabi ko habang naglalakad papuntang pintuan. Nakakumot pa nga ako dahil giniginaw talaga ako.

Binuksan ko na ang pinto at hindi si ate ang nakita ko! Kundi ang crush ko.

Kung nagtataka kayo kung bat nandito ang crush ko ay siguro tinawagan ni mama si Tita Amy, mama ni Dash. Magkalapit lang kasi ang bahay namin kaya ayun.

TT_TT nakakahiya naman tong itsura ko ang haggard ko eh tas ngayon ko pa siya makikita!

"B-bakit ka andito?" Tanong ko sakanya. Bat ako nauutal huhu

"Ahh kasi sabi ni Tita Jen may sakit ka daw tapos di ka pa kumakain" sabi niya

"A-ahh hehe oo" nakakahiya naman!

"Ako na lang muna ang magbabantay sayo, wala ka daw kasing kasama" sabi niya at pumasok na sa loob ng bahay kaya sinarado ko na ang pinto.

Nang maisarado ko ay humarap na ako sakanya pero nagulat ako dahil ang lapit niya saakin.

"Ang init mo nga" sabi niya ng sipatin niya ang noo ko. Feeling ko mas lalong uminit ang katawan ko lalo na ang pisngi ko sa ginawa niya!

"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong niya. Kaya umiling ako. "Hindi pa kasi ako kumakain kaya di pa ako umiinom" sambit ko.

"Tsk tsk punta ka muna sa kwarto mo ihahanda ko lang to" nakangiting sabi niya at ipinakita pa ang supot na may lamang soup? I guess.

Pumunta ako sa kwarto at sumandal ako sa may head board ng kama. Inayos ko na syempre ang sarili ko nag suklay na ko ng buhok ko hihi. ^_^

*knock knock*

Pumasok si Dash dala dala ang soup. Ang bango! Natakam na agad ako dahil mukhang masarap dahil ang bago ng amoy at dahil sa gutom na rin ako.

Umayos ako ng upo. Kukunin ko na sana ang dalang bowl na soup ni Dasg pero iniwas niya. Kaya naman tinignan ko siya ng nagtataka.

"Susubuan kita" nakangiti niyang sabi at kinuha ang upuan mula sa vanity set ko.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon