Chasing Venice

33 2 0
                                    

Narrator's POV

(Nang makalabas na ang dalaga, tinignan ni Xavier ang basurahan at binuksan ito. Agad niyang napansin ang kulay asul na sobre na siyang paboritong kulay ng binata, kinuha niya ito at sinimulang buksan at basahin. Pag katapos niyang basahin ay nakita niya ang bracelet na nasa loob din ng sobre. Simple lang ito pero maganda. Halatang gawa lang ito ng dalaga dahil naalala niya na mahilig gumawa ng bracelet si Venice. Napangiti ang binata sa sulat at bracelet na binigay sa kanya ng dalaga kaya agad niyang sinuot ito.)

Nang makabalik si Venice sa kwarto ay nandun na ang kanyang ina at ni Xavier. Handa na silang umalis at siya na lang ang hinihintay.

Kapansin pansin ang pamamaga ng mata ng dalaga dahil sa pag iyak pero di niya inalintana iyon.

Nang makarating sila sa parking lot kung nasaan naroon ang sasakyan nila Xavier na siyang gagamitin nila ay agad silang sumakay.

Ang mama ni Xavier ang magdidrive at  ang mama naman ng dalaga ay nasa passenger's seat kaya no choice silang dalawa kundi magtabi sa likuran.

Nang makaandar ang sasakyan lumayo si Venice kay Xavier para hindi sila magkatabi ng binata. Nakatingin lang si Venice sa bintana pero habang bumabyahe sila ay palapit ng palapit si Xavier sa upuan ni Venice kaya nag taka ito sa kilos ng binata pero di niya na lang iyon pinansin.

Biglang may tumawag kay bryan kaya kinuha niya ang kanyang cellphone para sagutin ito napatingin ang dalaga dito at nakita niya na si Penelope ang tumatawag kay Xavier.

"Hello? Oo pauwi na kami nila mama. Ah kasama kasi namin sila Venice pauwi. Ah ganun ba? Mag ingat ka ha? Sige. Iloveyoutoo"

Parang tumigil na naman ang pagtibok ng puso ni Venice sa huling sinabi ng binata sa kasintahan.

Tumingin na lang ulit siya bintana at napansin niya na umaambon napangiti na lang siya ng mapait ng sumabay ang pagtulo ng kanyang luha sa ulan.

Pinunasan niya ang kanyang luha pero patuloy pa rin ito sa pagpatak kaya napansin na siya ni Xavier.

Bigla na lang  siya niyakap ng binata pero agad siyang lumayo dito.

Mabuti na lang ay nasa tapat na sila ng kanyang bahay kaya agad na itong lumabas ng di nagpapaalam sa binata

Pumasok agad si Venice sa kanyang kwarto at dun siya nagsimulang umiyak na naman.

Sa kalagitnaan ng pag iiyak niya ay may nag text sa kanya

"Labas ka. Usap tayo" ungregistered number lang ito pero alam niya na si Xavier iyon. Sinunod niya ito at lumabas na siya at nakita niya si Xavier na nasa labas ng kanilang bahay.

"Bakit?" malamig na sabi ni Venice, hindi sanay si Xavier sa ganitong trato ni Venice sakanya dahil palagi itong masigla at masaya tuwing kakausapin siya nito.

"Sorry" yan lang ang nasabi ni Xavier
"Sorry? hahaha para san?" sabi ni Venice

"Dahil nasasaktan kita" sabi ni Xavier sa dalaga

"Ah talaga? Haha sorry? Anong gagawin ko sa sorry mo?! Anong pakialam mo kung nasasaktan ako ha! Wala naman diba! Wala kang pake! Alam kong alam mo na may gusto ako sayo matagal na! Pero anong ginawa mo? Wala ka man lang ginawa! Ni hindi mo nga ako pinapansin diba! Kahit nakakababa sa pagiging babae ay ako ang unang kumakausap sayo! Tapos ngayon mag sosorry ka sakin dahil nasasaktan mo ko. Kung alam mo lang Xavier, matagal na kong nasasaktan. Nalaman ko pa lang na may girlfriend ka na ay nasaktan mo  na ako.  Nung pumunta ako sayo nung nakaraang araw kitang kita ko kung gano ka kasaya. Tapos pati ba naman yung sulat na ginawa ko sayo?! Makikita ko na lang sa basurahan?! Ano? Dahil ba sa sobrang ayaw mo sakin kaya tinapon mo na lang yun. Ni hindi mo man lang ata binasa yun eh! Tapos ngayon nandito ka? Nagsosorry ka sakin. Anong gusto mong isipin ko?! Na may pake ka sakin ha?! Na may gusto ka din sakin?! Ang sakit na Xavier. Sobrang sakit na."

Niyakap na lang ni Xavier si Venice.

"Sorry, sorry sa lahat, sorry dahil nasasaktan kita pero ang totoo ay mahal kita Venice matagal na."

Kahit nanghihina si Venice dahil sa pag iyak ay nagawa niya pa ring itulak ang binata.

"Ano?! Mahal mo ko?! Sa tingin mo maniniwala ako jan sa kasinungalingan mong yan. Kung mahal mo ko sana di mo ko sinasaktan ng ganito. Pero anong ginawa mo?! Sinaktan mo na ko. Wasak na wasak na tong puso ko nang dahil sayo. Minahal lang naman kita eh, walang masama dun. Pero bakit di mo man lang sinuklian?" pinunasan ni Venice ang kanyang mga luha at ngumiti sa binata habang pinipigilan ang pag tulo ng kanyang luha.

"Sana maging masaya kayo. At tumagal pa. Mahalin mo siya. Wag mo siyang sasaktan, tulad ng ginagawa mo sakin ngayon" yun na lang ang sinabi ni Venice bago niya talikuran ang binata.

Hinabol siya ng binata at niyakap siya nito mula sa kanyan likuran. nararamdaman niya na umiiyak na rin ang binata.

"Venice hindi, sorry. Sorry talaga. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon para patunayan ko sayo na totoo tong nararamdaman. Mahal na mahal kita Venice! Mahal na mahal." umiiyak na sabi ng binata.

Lalong nasaktan si Venice dahil umiiyak ang kanyang mahal ng dahil sa kanya. Kaya kahit masakit man ay tinanggal niya ang pagkakayakap ng binata sa kanya at hinarap niya ito.

"At anong gagawin mo? hihiwalayan mo si Penelope? Huwag na Xavier. Tama na okay lang na ako na lang ang saktan mo huwag na siya. Alam kong masaya ka sakanya Xavier kita ko yun sa mga mata mo ng makita ko kayong dalawa kaya hayaan mo na ko. Makita lang  kitang masaya at ngumiti ay okay na sakin, kahit na hindi ako ang dahilan nun. Kaya ito na lang ang tandaan mo. Mahal na mahal kita. Ikaw ang una't huling lalaki na mamahalin ko." sabi ni Venice habang may tumutulong luha pero pinipilit na ngumiti.

Pagkatapos ng sinabi ni Venice ay umalis na siya at iniwan niyang umiiyak ang lalaking pinakamamahal niya.

~~~~~
~The End~
Thank you for reading!~
GodBless! *mwah!*

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon