Chasing Venice

76 2 0
                                    

Narrator's POV

Kasalukuyang nag rireview si Venice ng kanyang notes para sa exam nila bukas. Kailangan talaga niyang mag aral dahil mahihirap ang ieexam niya bukas dahil mga major subjects ito. At dahil nga major subject kailangan hindi mo maibagsak ang kahit isa rito.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag rireview ay biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto na akala mo ay nagmamadali.

"Anak anak!" ang sabi ng mama ni Venice, agad siyang pumunta sa kanyang pintuan at binuksan iyon. Nakita niya ang kanyang ina sa labas ng pintuan at mukhang alalang alala.

"Bakit? anong meron?" natatarantang sagot ni Venice

"Si Xavier kasi" sabi ng ina

"Bakit anong nangyari sa kanya?!" kinakabahang tanong niya sa ina nang marinig ang pangalang 'Xavier'

"Naaksidente siya anak, kakatawag lang sakin ng Tita Jane mo"

Natulala na lang si Venice nung panahong iyon pero agad siyang natauhan ng sinigaw ng kanyang ina ang kanyang pangalan.

"Venice ano?! di mo ba siya pupuntahan? magbihis ka na riyan at pupunta tayo ngayon sa ospital" sabi ng kanyang ina, agad siyang pumasok sa kanyang kwarto at mabilis na nagpalit ng damit.

Pagtapos niyang magbihis ay agad na siyang lumabas ng kanyang kwarto at nakita niya ang kanyang ina na nag aabang na sa kanilang sala.

"Ma halika na!" sabi ng dalaga

Habang bumabyahe ang mag ina nagiging balisa na si Venice sa pag iisip kay Xavier at kung ano ng kalagayan niyo. At ng alam niya ng malapit na sila sa ospital mas lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Nang makarating na sila sa ospital agad silang dumiretso sa front desk para tanungin ang room number ni Xavier Montenegro.

At nang nalaman na nila ay agad sila pumunta sa kwartong sinabi ng nurse.

Kumatok na si Venice at nakita niya si Xavier na nakahiga sa hospital bed, natutulog ito at kitang kita sa kanyang mukha ang mga sugat na natamo sa aksidente.

Kaya nanlumo si Venice ng makita niya ang mukha ng kanyang pinakamamahal na maraming sugat, agad siyang pumunta sa tabi ng kama at umupo ruon.

Tahimik lang siyang nakaupo habang pinagmamasdan ang mukha ng binata.

"Anak lalabas muna kami ng tita mo" tumango na lang siya bilang sagot.

Tinitigan lang ng dalaga si Xavier at di niya namalayan na hinahaplos niya na pala ang mukha ng binata.

"Di mo naman inaalagan sarili mo eh. tignan mo tuloy nangyari sayo, ang dami mo ng sugat sa mukha." sabi ni Venice sa natutulog na binata.

Sa pag babantay sa binata nakatulog si Venice dahil sa sobrang pagod sa pagrireview.

Third Person's POV

(Nang makatulog na ang dalaga mga ilang minuto lang ay nagising na si Xavier. Agad niyang ininda ang mga sugat sa kanyang mga mukha. Buti na lang ay wala na siyang ibang natamo maliban sa mga sugat niya sa mukha.

Nang mapatingin siya sa kanyang gilid nakita niya si Venice na natutulog sa kanyang tabi. Sa pagmamasid sa dalaga, ay di niya na namalayan na hinahaplos niya na ang pisngi ng dalaga habang iniisip niya kung gaano niya kamahal ito, ngunit ng marinig niya ang tunog ng pinto agad siyang nagkunwaring tulog.)

~~~~~
Thank you for reading!~
GodBless! *mwah!*

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon