Chapter 32: "Magical Dance"

9K 256 26
                                    


NP: Suddenly It's Magic by: Lovi Poe

Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖



"Ate may gagawin nga pala akong homework kaya maiwan ko na sa iyo si kuya." paalam ng kapatid ko at umakyat na sa kwarto nya.



Tinignan ko si David, "Tapos na dinner kaya pwede ka nang umuwi." pagtataboy ko sa kanya.



Umakto syang nasaktan sa sinabi ko at madrama pang hinawakan ang dibdib, "Where's your hospitality, Janna? Come on I'm a guess and I am entitled to some hospitality."



"Wala ka namang gagawin dito."



"Wala din naman akong gagawin sa bahay kasi maids lang ang nandun ngayon dahil wala si Dana, kaya hayaan mo na akong mag-stay dito. I'll behave."



"Kay! Basta behave ka lang ha." parang nanay na nangangaral lang sa anak na sabi ko.



We sat on the long couch and watched TV but after a while I flickered through the channels para maghanap ng interesting na palabas, pero wala kaming mapagkasunduan. I turned off the TV.



"Gusto mo dun na lang tayo sa kwarto ko mag-stay?" naisip ko itanong sa kanya.



Nagliwanag na parang bulb ang mga mata nya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti, "Sure, we can 'stay' in your room the whole night." sagot nya habang agad na tumayo sa pagkakaupo.



Tinapakan ko ang paa nya bago binelatan sya at nagpatiunang pumanhik papunta sa kwarto ko.



Pagpasok sa kwarto ko inilibot nya ang mga mata at naupo sa kama ko. "Nice room. So, ano gagawin natin dito sa kwarto mo?"



I sat on the floor sa tapat nya at tinignan lang sya. Wala kasi akong maisip na gagawin namin particularly. Tumayo ako at kinuha sa dresser ko ang iPod ko at inilagay sa speakers. Pwede na sigurong mag-sound trip na lang kami. Naghanap ako ng mapapatugtog. May nakita akong isang kanta na alam kong magugustuhan nya. I pushed the play button at naupo sa tabi nya while smiling sheepishly.

♪ Jack and Jill when up the hill

to fetch a pail of water,

Jack fell down and broke his pail

and Jill went thumbling after

La,la,la,la,lalala ♪



He gave me a disbelieving look then ran towards my iPod, "Are you really a wacko?" tanong nya habang pinakikialaman ang iPod ko.



Tumawa ako, "Why, what's wrong with that song?" patay malisya pa na tanong ko. Then I heard the song 'She Will Be Loved' by Maroon5 started playing. Napangiti ako ng maalala ang live performance nya sa quadrangle. Jeez! I really love this song.



Tinignan nya ako bago nagsimulang sabayan ang kanta. All the time he was singing, hindi nya inaalis ang tingin sa akin. Nakatingin lang din ako sa kanya, transfixed by his beautiful hazel brown eyes. Could this get any better?



He continued singing using his sexy voice while intently looking at me still. I could her my heartbeat beating faster than the usual and I can feel that heat in my cheeks. I looked away to hide my stupid blush.



He placed his hand over mine and held it so delicately. Tinignan ko ang mga kamay namin na magkahawak. They look well fitted together. Ibinalik ko ang paningin sa mukha nya, he sang till the song ended then smiled at me.



More Than A Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon