Chapter 35: "Reality Bites"

10.5K 261 21
                                    


NP: When The Last Teardrop Falls by: Blaque

Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Tahimik lang kami sa sasakyan ni Greg hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ko, ipinarada nya ang kotse sa tapat ng driveway at hinarap ako.



"I thought you wanted to talk to me pero bakit wala kang sinabi kahit isang salita? Aren't you going to enlighten me with anything?" he asked a bit indignantly.



"I wanted to but words can't seem to get out of my mouth." I am feeling so nervous right now. I don't know why, but I felt that this is the right time to decline his feelings. May the force be with me.



"Janna, buong linggo mo kaming iniwasan! Hindi mo kami kinakausap! Hindi ka sumasabay sa amin nila Luke tuwing lunch and God knows where are you eating! Noong una akala ko you already started hanging out with David or Dana more, pero maski sila hindi alam kung saan ka naglululusot. That's what I thought though. Matapos kong makita ngayong gabi na magkasama kayo ni David... I don't know what to think anymore." medyo tumaas ang boses nya sa huling mga katagang nasabi nya.



Kumalma naman sya after taking in heavy breaths. Ginagap nya ang mga kamay ko at tinitigan ako. "Talk to me, please." bulong nya. His eyes are full of sorrow that it pained me.



Napalunok ako at tumingin sa lap ko. Sasabihin ko na ba? Dapat ko na bang sabihin ang naging desisyon ko?



I let out a deep sighed before talking, "Hindi ko naman kagustuhang gawin ang mga bagay na iyon." sabi ko na iniangat ang tingin sa kanya para lang magbaba ulit ng tingin dahil hindi ko magawang tagalan ang titig nya.



"Masyado lang akong naguguluhan sa ilang bagay kaya naisip kong iwasan lahat ng may kinalaman sa nagpapagulo ng isip ko. I was buying some time to solve them myself." pagpapatuloy ko.



Humigpit ang hawak nya sa mga kamay ko kaya tumingin ako sa kanya, "Janna, alam mong palagi akong nandito para sa iyo, di ba? Bakit kailangan mong solohin ang gumugulo sa isip mo? I can help you, for pete's sake! You can always count on me, Janna Elisse. That's how much I love you. I love you, Janna. I really do." madamdaming sabi nya.



I tensed. I was actually stunned about his love revelation that i was left speechless. Is he referring the love as a friend or the love for something more? Pero ako na din ang kusang sumagot sa tanong ko. Alam ko na ito na iyong kinatatakutan ko. Ang pagmamahal nya sa akin ng higit pa sa kaibigan.



"Ah." parang tangang sabi ko. Ayaw kasing gumana ng utak ko kaya iyon lang ang salitang namutawi sa bibig ko.



He chuckled humourlessly. "Wow. I confess my love for you and all you could say is, Ah?"



Patay! Gagawin ko na ba ang dapat? 'Fighting, Janna! It's now or never!', sabi ko sa loob loob ko. Humarap ako sa kanya at hinawakan sya sa balikat, "Greg, mahal din kita." Nagliwanag ang mga mata nya, pero nawala bigla ng magpatuloy ako. "Pero bilang matalik na kaibigan lang. At kaya hindi ko nagawang magsabi sa iyo ng gumugulo sa akin ay dahil ang sitwasyon natin nila David ang pinoproblema ko."



"Ano ba ang tungkol sa sitwasyon nating tatlo?"



"Kasi hindi ko maatim na may masaktan sa inyong dalawa ng dahil sa akin. Ikaw isa kang malaking parte ng buhay ko kaya masakit sa akin na makita kang nasasaktan. Siya isa syang bagong yugto sa buhay ko na hindi ko kayang makitang nasasaktan." litanya ko. I just don't know if I am making any sense at all sa mga sinabi ko.



I looked at him at hindi ko naiwasang tumulo ng mga luha ko ng makita ko ang lungkot sa mga mata nya. Kitang kita ko na unti unti na syang nasasaktan sa tinutumbok ng sasabihin ko. I so badly wanted to shut my mouth up pero kailangan ko nang ipagtapat sa kanya ang totoo.



"Katulad ngayon, alam kong you are already in pain that I wanted to kill myself for inflicting this damn pain towards you. Greg, sinubukan ko naman eh." sabi ko sa basag na tinig. Bwisit na pag-iyak ito ngungo tuloy labas ko.

Inalis nya ang mga kamay ko sa balikat nya at muling hinawakan. Ngumiti sya ng pilit at pinunasan ang mga luha ko. "Hindi mo kailangan umiyak, Janna. You did nothing wrong. You gave me a chance to cross the boundaries of our friendship, I guess that's all that matters." sabi nya sabay yakap sa akin ng mahigpit.



Umatungal na ako ng iyak habang yakap yakap nya ako. "I'm really sorry that I cannot reciprocate your feelings towards me, Greg. God knows I tried but it's just not working."



Hinimas himas nya ang likod ko. "Yeah, I know you tried but maybe friends is all we can ever be."



"Don't leave me, Greg. You are my bestfriend and I can't bare to lose you." sabi ko sa kanya na umiiyak pa din. I really can't lose him and the kind of friendship that we have.



Tumawa sya ng pagak, "Brighten up, Janna, you will never lose your bestfriend. You can still have me as your bestfriend, I am pretty cool right?"



Kumawala ako sa yakap nya at tumango. "You are the coolest guy ever!" sabi ko na pilit pinasisigla ang atmosphere.



"But I needed sometime to settle things on my own. It's not that easy, you know. So the lucky guy is David, right? Gusto mo sya?"



Tumango ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko sa magkabilang pisngi.



"Mahal mo ba sya?"



"Hindi pa ako sigurado sa bagay na iyan pero sa palagay ko doon na patungo ang nararamdaman ko sa kanya." amin ko sa kanya.



Ginulo nya ang buhok ko at bumuntong hininga, "I should be supportive of you from now on. That's what bestfriends do, right?" sabi nyang halatang nasasaktan pa din.



Tumango ako at inatake sya ng bear hug. He is really such a great guy. Greg is really a nice catch kaso hindi lang talaga kami ang para sa isa't isa. "Thanks for understanding, Greg."



"I have to understand you, cause I knew all along that this is one of the possible outcomes nang humingi ako ng chance sa iyo."



Binuhay ko ang radio nya sa pag-aakalang masayang tugtog ang madidinig namin kaso mukhang nanadya ang tadhana dahil ang kantang tumugtog ay, 'When The Last Teardrop Falls' ng Blaque.


♪ It's so hard to lose the one you love

To finally have to say goodbye

You try to be strong but the pain keeps holdin' on

And all that you can do is cry

Deep within your heart you know it's time to move on

When the fairy tale that you once knew is gone ♪

♪ When the last teardrop falls

I'll still be holdin' on to all of our memories

And all of what used to be ♪


Nagkatawanan kami sa nadinig na kanta. "Pati radio sumabay pa sa kadramahan natin." sabi ni Greg. "Sige na umalis ka na at baka makita mo pa akong umiyak." birong totoo na sabi nya.



"Okay, I'll go ahead." paalam ko pero bago lumabas ng kotse nya hinarap ko syang muli. "You'll be alright?"



"I will be alright. I am a big guy and big guys are tough. Don't worry too much. Now go." pagtataboy nya sa akin with teary eyes.



To be continued...


VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon