Chapter 47: "Explanations"

7.2K 238 17
                                    


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


I froze as I stood there with my head still turned to the side. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Did I just got slapped from my friend, Dana? That's so uncalled for! Besides that hurt like hell. Ang bigat pala ng kamay ni Dana.




Parang slow motion na pinaling ko ang ulo ko ng diretso. "Why did you slapped me?" Tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Katakot kaya ang ekspresyon ng mukha ni Dana, baka kapag nagtaas ako ng boses hindi lang sampal ang abuton ko.




"That was for ditching my brother." Galit na sagot nya.



"Ah." Medyo tanga lang at nagtanong pa ako, di ba? Natural ang sampal ay para ipaghiganti ang kapatid nya.



Hindi pa man ako nakakabawi ay biglang dumapo na naman ang kamay nya sa kaliwang pisngi ko. Wow. Mag-asawang sampal? Para saan naman itong pangalawa?



"WHY DID YOU SLAPPED ME?" Ulit ko sa tanong ko kanina pero may kalakasan nang boses. Aba, mas masakit kaya yung pangalawang sampal nya. Full force!



"That was for hurting him and playing him." Mas galit na sabi nya.



"Ano? Hindi ko sya pinaglaruan! News Flash, I am hurting too." Sigaw ko sa kanya. Mukhang susugurin nya ako kaso yinakap sya mula sa bewang ni Luke para pigilan sya.



"Dana, tama na." Awat nya sa nobya. Hinarap nya ako at tinanguan. "Janna, pwede ka bang makausap sa loob?"



Tumango ako at nauna nang pumasok sa loob ng bahay namin pero alerto ako at baka biglang haltakin ni Dana ang buhok ko. Lucky enough that nobody is home. Baka lumabas sina Mommy at Janno para magmamili ng supplies. Pinaupo ko sila sa sala.



Bumuntong hininga ako. This is it! Now or never. Kailangan ko nang ipaliwanag ang side ko. Tama na ang pag-iwas.



"Handa ba kayong makinig sa paliwanag ko?" I asked them and they both nodded. Yumuko ng tingin sa kandungan ko.



Nagsimula akong ikwento ang pagtawag ng mama ni Greg noong nasa kotse na kami ni Luke, how I decided that I should go to Greg since I thought the situation was really life threatening, kung paano hindi sinagot ni David ang tawag ko ng gabing iyon at maging ang hindi nya pagreply sa text na ipinadala ko, yung naging pag-uusap namin ni Greg na pagresolba ng pagkakaibigan namin, kung paano ko gustong gusto makausap si David pero hindi ko magawa dahil parang anino nya na si Natalie, at ang sakit na nararamdaman ko sa bawat malamig ang tinging binibigay nya sa akin. Sinadya kong hindi ikwento ang parte kung saan nasaksihan ko ang paghahalikan nila David at Natalie. Somehow, I feel that he would get in trouble with Dana kung malalaman nito ang bagay na iyon.




Nang matapos ako sa pagkwekwento itinaas ko ang ulo ko para tignan ang reaksyon ng mga mukha nila. Mukhang nag-iisip pa sila dahil blangko ang ekspresyon ng mukha nila.




"Alam ko na masama ang tingin nyo sa akin pero--"




"Hindi. Janna, hindi masama ang tingin namin sa iyo." Putol ni Dana sa sasabihin ko at binigyan ako ng maliit na ngiti. At tumango naman ang pinsan ko na parang sumasang-ayon sa sinabi ng nobya.




"Naiintindihan na namin kung bakit mo nagawa ang ginawa mo." Sabi pa ni Luke na nakangiti. Well, at least mukhang dalawang taong importante sa akin ang nasa side ko na ulit.




More Than A Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon