Chapter 45: "Temporary Insanity"

7.3K 238 16
                                    


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖



Nagtext na lang ako kay David ng maikling paliwanag kung bakit hindi ako nakasipot sa usapan namin at ng sorry. Nang makarating kami ni Luke sa bahay nila Greg agad akong bumaba ng kotse. "Luke, you go ahead." Sabi ko sa kanya.




"But he is my bestfriend, too. I will go with you." Pagpipilit nya.




"No. Sa tingin ko, ako ang dapat na umayos nito. Now, go!" Pagtataboy ko sa kanya at lumakad na papunta sa front porch ng bahay ng mga Zaragoza.



I was about to ring the doorbell when the door swung open. Humahangos na lumabas mula dun ang mommy ni Greg. Naguilty naman ako ng makita ang distraught disposition nya. Ako ba talaga ang may kasalanan kung bakit umaakto ng ganito ang anak nya ngayon?



"Tita Mariel?" Alanganing tawag ko sa kanya. Gusto ko man kumustahin muna sya pero nagdalawang isip ako dahil parang alangan sa sitwasyon.



Umakap sya sa akin. "Janna, thank god at dumating ka." Umiiyak na sabi nya. "I d-don't k-know w-what to d-do." Sabi nya pa in between sobs while shaking, too. I rubbed her back trying to comfort her.




Hinatak nya ako papasok ng bahay at diniretso sa itaas bago pinaupo muna sa sala ng second floor. She continued sobbing and telling me how strange na umakto ng ganito ng anak nya. She even told me that this is the first time that her son threw such temper cause he is usually calm and sweet. Sa sandaling pagkwekwento nya sa akin, napapangiwi kami parehas sa tuwing nakakarinig ng kalabog at basag ng kung ano sa kwarto.




"Uhmm, Tita Mariel, puntahan ko na po si Greg sa kwarto nya." I didn't know kung ano ang dapat kung unahin. Ang icomfort ang ina ni Greg which seems close to some emotional breakdown o kalmahin ang anak nito na mukhang galit na galit sa mundo at naging si 'The Hulk' bigla.




She nooded at pinunasan ang mga pisngi na napuno ng luha. Honestly, nahihiya ako sa kanya kung ako talaga ang dahilan kung bakit umaakto ng ganito ang anak nya. I know that Greg is the perfect son a mother could have. He is sweet, sensible, keeps his grades up kahit varsity at hindi kahit kailan nagbigay ng sakit ng ulo.



I walked towards the hallway leading to Greg's room. Naalala ko nung mga bata pa kami nila Luke, madalas kaming magpunta at tumambay sa kwarto nya para maglaro ng playstation. I smiled when I remember the times that they will bully me for saying that I am a girl and I am not allowed inside his room. Walang sawa kong kinakatok at sinisipa ang pinto ng kwarto nya noong panahong iyon para papasukin nila ako. Pero makapasok man ako hindi naman nila ako sinasaling maglaro. Mga salbahe.



Nang malapit na ako sa mismong pinto ng kwarto nya, tumingkayad ako at dahan dahang lumakad. Pakiramdam ko nasa isang suspense film ako. Ito na ba yung sandali kung saan mahuhulog ang bida sa patibong ng kontrabida?




I cringed ng makarinig na naman ako ng kalabog mula sa kwarto niya. Ano ba sa palagay ni Greg ang ginagawa nya? Parang may construction on-going lang ang dating ng mg tunog.



"Greg." Tawag ko sa likod ng pinto at katok. Walang sagot kaya kumatok muli ako. "Si Janna ito." Pakilala ko pa na para namang nakalimutan na agad ni Greg ang boses ko sa loob lang ng ilang oras.




Ilang minuto pang katahimikan ang dumaan bago ko nadinig ang pagpihit nya ng doorknob. Napabuntong hininga ako sa relief. I froze when finally I had a glimpse of him. He looked like a very distressed man.



More Than A Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon