Chapter 53: "Game 3: Shoot Pass Bet & Fall"

9.6K 250 29
                                    


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Idiot. Imbecile. Moron. I am probably a moron cause it is the highest form between the three. I am not about to put myself down, you know. Ugh! I don't know what to think anymore? Aww. Mental right hook!


"Tama ba ang ginawa ko?" Parang tangang tanong ko kay Dana.


"Aba, oo naman." Sagot nya na nagpaikot sa mga mata ko.



Nakipag-usap na ako kay scumbag este kay David pala at ngayon kinakabahan ako. "Now why in the name of watermelons was I so utterly afraid?"



"Why rolled your eyes at me? Natatakot ka bang manalo si Dave?" She said smugly.



Hindi makapaniwalang tinignan ko sya. May ESP ba sya? Paano nya nagawang masabi ang nasa isip ko? "Paano mo nalaman?" Namamanghang tanong ko sa kanya.



Hinampas nya ang braso ko kaya naman hindi ko naiwasang mapasigaw sa sakit. "Aray! Bakit mo ako hinampas?" Sobrang bigat talaga ng kamay ni Dana. Amazona yata ito eh. When she slapped me before it hurt like a freaking bulldozer! Not that I've experienced being hit by it, pero dun ko gusto ikompara ang bigat ng kamay nya.



Tinignan nya ako ng masama. "Sira ka ba? You were talking out loud!"



Natawa ako. "Weh, di nga? Nasabi ko ng malakas ang nasa isip ko?"




"Oo nga sabi eh. Tumigil ka na nga dyan at para ka na talagang may sapak. Let's get you ready!" Excited na sabi nya at nilapitan ako. Heaven forbid! Somebody save me from her.



"Dana, ayoko! Uwi na lang ako at itext na lang ang resulta, please." Pakiusap ko sa kanya. Parang hinahalukay ang sikmura ko sa pinaghalong kaba at takot.



"No. You have to watch the game." She said grinning wickedly at me. Then she dragged me all the way to the gym doors.



Jusko! Ano ba ang mangyayari? Mananalo ba sya? Matatalo ba sya? Hindi lang naman sya ang mananalo o matatalo kung sakali pero wala akong pakialam sa buong team nya. Gusto ko na talagang tumalilis ng takbo palabas ng gym. Darn it! Bakit kailangan kung panoorin ang last game? Simple. Sinabi nina David at Greg na manood ako. Mga ungas!



Kahit saan ako tumingin masasayang tao ang nakikita ko. All the people were wearing either reds or yellows. Team Spirit. People in support of SAU Red Bobcats are obviously wearing red while those in support of SJU Yellow Tigers are in yellow clothes.



Pinagpilitan ni Dana na magsuot ako ng pulang shirt pero hindi ko ginawa. I wanted to cheer for my school team but I don't want to show my 'betrayal' to David too. Alangan namang magpula ako na pang-itaas tapos dilaw sa pang-ibaba, di ba? So here I am wearing a white fitted shirt, skinny jeans and a pumps for my feet. Hindi na nagpumilit si Dana nang hindi ko sinunod ang gusto nyang kulay na isuot ko. Aba! Abuso na kung ipagpipilitan nya pa ang gusto nya sa damit ko kung sa make up at buhok ko ay sya na ang nasunod.




Yeah, she did my make up. Well, it was really light or I would kill her if she did otherwise. She did my hair too by blow drying it to perfection, according to her. Voila! I looked pretty cute. While she on the other hand looked like a ripe banana. Bakit kamo? Eh kasi naman, bilang suporta sa kapatid nya mula ulo hanggang paa ay kulay dilaw ang suot nya, thus making her look like a big ripe banana in my eyes. I laughed internally.




More Than A Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon