Chapter 07

391 6 0
                                    

Marco's POV:



"Marco, may nakita akong aso na pagala-gala dito. Eto 'yung dinala ni Gene dito. Kilala mo ba kung kanino--"




"Marene!!!" Nagmadali akong lumapit kay Don at kinuha si Marene. Niyakap ko siya habang walang tigil niyang dinidilaan ang mukha ko. Ang lagkit hahaha.


"Woah pare, 'di ka na takot sa aso?"


"Alam mo namang hilig nung asawa ko 'yung mga ganitong inaalagaang hayop. Hindi naman p'wedeng dahil lang sa takot ko e hayaan kong hindi magawa ni Gene ang nagpapasaya sa kan'ya." Seryosong saad ko habang hinahaplos ang balahibo ni Marene.


"Gene nanaman. Pre naman. 'Wag mo nga iniisip ang walang bait sa katawan mong asawa. Isusumbong ko 'yan kay Chief e."


"Huwag naman! Babanatan kita."


"Hahahaha! Ayos lang. Lagot ka naman sa misis ko!"



Napatawa nalang rin ako at ibinaba si Marene. Pumunta ako sa kusina at nagsimulang magluto ng agahan. Sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako kay Don. Nandito pa rin ako ngayon sa bahay na pinagkulungan sa akin ni Gene. Wala na rin naman akong nagawa kun'di ang pumayag na lang na magstay dito si Don para samahan ako. Hindi rin naman kasi mapaalis kahit anong sabihin ko. Nararamdaman kong sobra ring nag-aalala sa akin si Don kaya hinayaan ko na. Nabalitaan din namin sa matandang nagbabantay nang pinagkulungan sa akin na sa Sabado pa raw ang balik ni Gene kaya mayroon pa akong ilang araw para ikalma ang isip ko.



"Don, nasaan pala ang asawa mo? Hindi ba mag-aalala 'yon na matatagalang wala ka sa inyo?" Tanong ko kay Don habang inilalagay sa plato ang niluto kong agahan. Naupo naman siya sa lamesa at iniayos ang mga plato.

"Hindi ko ba nakuwento sa'yo? Umuwi si misis sa probinsya dahil kailangan niyang alagaan at bisitahin sina nanay doon."



Nilagay ko na ang kain at mga nalutong ulam sa lamesa. "Pare, bakit pala hindi mo ako tinawagan o tinext man lang na nandoon ka sa lugar na 'yon? 'Diba nagagamit mo naman phone mo nung huli nating kita?"



"Kinuha ni Gene 'yung phone ko nung huling punta mo sa bahay. May way of communication daw ako sa labas at ayaw niya nun."


Narinig ko pa ang naiinis na pagpitik ni Don habang kumukuha ng pagkain. "Konti na lang talaga, ipapabugbog ko na 'yang asawa mo."


"Napakabugnutin mo pa rin, pare. bawal mambugbog ng inosente ang pulis, hindi ba?" Natatawa ko pang biro sa kan'ya. Parang tangang panguso-nguso naman 'tong isa kaya napatawa ako bigla.


"Inosente raw. ulol." Natawa na lang din siya at nagsimula ng kumain. Napakapangit ng mukha nito e.

The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon