Chapter 18

404 5 2
                                    

-GENEVIVE-


Lahat ng desisyon sa buhay, may karampatang rason 'yan. Pasensya na, Marco.

Lumipas ang ilang araw at hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag-uusap ni Marco. Kung hindi nasa loob ng kwarto, nasa sala siya pero nilalaro lang naman si Marine. Hay. Matapos nung araw na 'yon, dumiretso na siya ng maneho sa bahay nila at ibinaba lang do'n si Keiko tapos dumiretso na sa bahay. Parang walang tao dito. Nakakapanibago pala. Yung walang maingay na bubulabugin ka araw-araw para lang kumain ka na agad.

Hay. Naaalala ko nanaman 'yung nung last month.

*flashback*

"Pwede mo ba akong i-undergo sa test?" Tanong ko kay Nurse Maricel, isang radiographer.

"Bakit Dr. Heneral? 'W-Wag mong sabihing...."

"Gusto ko lang masigurado. Kung meron nga, wala naman akong magagawa."

"Doktora...."

"Okay lang ako."

*end of flashback*

Naantala ang pag-iisip ko ng biglang bumaba si Marco at tumingin sa akin. Ang mga matang 'yon. Walang kaemo-emosiyon. Nakakapanibago.

"B-Bakit? May kailangan ka?"

"Niloloko lang kita."

"H-Ha?"

"May babae ako. May anak na rin ako sa babaeng 'yon."

Tanging pagpintig ng ugat sa ulo ko ang pakiramdam kong umalingawngaw sa paligid. Imbis na sakit ay galit ang nananaig sa puso at utak ko. T*ngina ka, Marco!

"Eh walang hiya ka pala e!"

Nahablot ko 'yung isang litrong gatas na nasa container at ihinagis ito sa kan'ya ng nakabukas. Lumapit din ako sa lamesa at ibinalibag at ihinagis lahat ng laman nun.

"Ahhhh!!!! Wala kang puso, Marco! G*go ka talagang basura!!!"

Nilapitan ko siya at pinagsusuntok sa mukha. Galit na galit ako! Hindi man lang siya nagpapaliwanag sa akin.

"So, totoo nga?! Ginawa mo nanaman 'yung pagkakamaling ginawa mo noon! Akala ko nagbago ka na?!"








"Hindi ba gusto mo ng makipag divorce? Sinabi ko na sa'yo ang totoo para mapabilis na ang annulment papers natin." Walang emosyon niyang sabi. Isang malakas na sampal ang naibigay ko sa kanya. Nagsimula na ring tumulo ang luha mula sa mata ko.

-MARCO-

Tanggap ko lahat ng sakit, Gene. Siguro wala na lang talaga tayong pag-asa. Walang katotohanan ang lahat ng sinabi ko. Pero wala naman akong pagpipilian. Papapaniwalain na lang kita sa bagay na alam kong makapagpapabilis ng pagpapalaya ko sa'yo.

"Kaya ba?! Kaya ganun na lang ang emosiyon mo ngayon? Yang emosyon na parang wala lang ako sayo? Kaya ba isang buwan lang ang hinihingi mong pagmamahal?!"









"Oo."

"Bakit mo naman 'to ginagawa sa'kin, Marco?"

Ang sakit makitang nasasaktan siya dahil sa akin. Ang sakit makitang umiiyak siya.

"Gusto mo na ng divorce diba?"

The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon