Chapter 12

399 8 0
                                    

-MARCO-

Kakatapos ko lang magluto ng hapunan ng madatnan ko si Gene na nakabusangot habang naka de-quatro pa sa sofa. Mukhang napagod ang asawa ko sa trabaho. Agad kong tinapos ang pag-aayos ng kakainan namin at ihinanda yung kanin at ulam. Yung natirang ulam, nilagay ko muna sa ref kasi baka gusto niyang kumain bukas. Gutom na gutom na ako pero kailangan ko munang pagsilbihan ang asawa ko.

Matapos ang lahat, tinanggal ko na ang apron ko at pumunta sa sala para tawagin si Gene.

"Uh. Gene?"

Mahina ata ang boses ko. Hindi niya ako narinig.

"Gene?"

"Ano?!" Napapikit ako dahil sa nakakabinging pagsigaw ni Gene.

"A-ah... H-handa na yung hapunan. M-mukhang pagod ka galing trabaho. Kain ka na muna."

"Busog pa ako."

"P-pero baka malipasan ka ng gutom, Gene."

"Busog. Pa. Nga. Ako."

"Pero Gene--"

"T*ngina naman Marco! Bingi lang, bingi lang?! Sinabi ng busog pa nga ako e! Ano bang hindi mo naiintindihan dong lalaki ka?! Ha?!"

Tumayo si Gene at hinila ako palapit sa mga pagkain.

"Yan? Yan ang hapunan? O ayan!"

Pinaghahagis niya sa akin lahat ng ihinanda kong kanin at ulam. Pinagbabali niya ang kutsara at tinidor. Pati baso at plato, binasag niya sa sahig.

"O kainin mong lahat yan! Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang busog pa ako?!"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

"Sana naman, marunong kang lumugar, basahan! Kung nakikita mong hindi ako nagsasalita, 'wag mo akong kausapin! Katulong ka na nga lang dito sa bahay, puro ka pa satsat dinaig mo pa yung mga boss kong doktor! T*ngina mo! Nakapatay ako ng pasyente, sa tingin mo kakain pa ako ha?! Gusto mong ikaw ang patayin ko?!"

Bago siya umalis, ihinagis niya sa akin yung natira pang kanin at ulam sa lamesa habang sumisigaw sa galit.

"Linisin mo yan! At huwag na huwag kong madadatnan na hindi mo pa yan natatapos kung hindi malilintikan ka sakin! Naintindihan mo?!"

Tinuktok niya ang noo ko bago siya tuluyang umalis. Bumuntong hininga na lang ako at nagsimula ng maglinis ng kalat. Siguro, maliligo na lang ulit ako mamaya. Nakaka-tatlong ligo na ako. Ano ba yan.

"Marco, kelan ka ba magtatanda?" May diing bulong ko sa sarili. Kailan ko kaya maipagtatanggol ang sarili ko? Gustong-gusto kong lumaban pero hindi ko kayang saktan si Gene.

Nakaramdam ako bigla ng gutom matapos kong linisin lahat ng nagkalat na kanin, ulam, baling kubyertos at mga basag na plato. May kanin pa naman. Bigla ko ring naalala na may naitago ako sa ref na labis na ulam. Agad akong naghanda ng kakainan ko kahit masyado ng malagkit sa pakiramdam yung sarsa at kanin na bumabalot sa katawan ko. Kumain na ako at laking pasasalamat ko na hindi na lumabas si Gene. Sigurado kasi akong bubulyawan nanaman ako nun kapag nakita niya akong kumakain. Matapos kong kumain, tumaas na ako sa kwarto ko at naglinis ng sarili.

---------------------------

Madaling araw pa lang pero gising na ako. Kulang nanaman ako sa tulog. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko pero bigla akong nakaramdam ng bigat at init. Parang may lagnat ata ako. Agad akong bumangon at naghilamos para mahimasmasan ako. Sinubukan ko ulit na mahiga at matulog pero wala pa rin. Hindi lang ako makabangon dahil sa kabigatan na nararamdaman ko. Lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa kusina para maka-inom ng tubig. Sana may gamot para sa lagnat doon sa cabinet sa kusina para hindi na masyadong lumala ang pesteng lagnat na 'to. Paano ako makakagawa dito sa bahay kung may lagnat ako?

The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon