Chapter 03

451 9 0
                                    

Marco's POV:



"Ah, ang ganda ng panahon." Kasalukuyan akong nagdidilig sa hardin. Naalala ko kasi kagabi na halos hindi na ito nabuibisita ng liwanag o 'di kaya naman ay mga paru-paro man lang kumpara noong dating sinisimulan pa lamang naming itong alagaan ni Gene.


Napatingin naman ako sa may gate naming at napansing wala masyadong mga sasakyan ang dumadaan pabalik-balik kumpara sa siyudad na kinalakihan ko noong napalilibutan ng ingay ang daan. Ang ganda rin sana ng panahon para mag-gala pero hindi naman ako p'wedeng lumabas.


Napailing na lamang ako at nagpatuloy na sa pagdidilig ng mga halaman at pagpuputol ng mga tuyong dahon sa hardin.


'Di nagtagal ay bigla kong naalala na wala nga palang pasok ang asawa ko. Narinig ko pa ang boses niya kanina na parang humihimig nang tawagin ko siya para mag almusal. She must've been tired.



Napatawa naman ako nang bahagya ng maalala ko iyon. "Her voice is cute. How I wish I could see her face that time." Ayoko namang makadagdag pa sa pagod niya kaya hinayaan ko na lang siyang magpahinga at nagsimula na lamang akong tapusin ang mga gawain dito sa bahay.



Walang kabuhay-buhay ang hardin na ito ngayon pero mas kita ang kulay nito na nababalutan ng mga lumot kumpara kagabi na halos wala na akong makita. May maliit na pond din pala dito at pahingahang maganda sanang paglatagan kapag gusto naming mag picnic kaysa pumunta pa sa malayo. Napakaconvenient para sa aming mga-asawa kung tutuusin especially if she hates going on outdoor dates. Ang dami kong plano bago tayo magpakasal, Genevive. Punong-puno pa ata ang bucket list ko noon.



---------------------------------------------------------------------



"Babe, kapag nagpakasal na tayo, saan mo gustong mag honeymoon?" Tanong ko habang nakayakap sa bewang ni Genevive. Nakaupo kami ngayon sa tambayan dito sa may dagat. Malakas ang ihip ng hangin kaya dapat duma-damoves.




Natawa naman ako sa ideya ko at tumingin sa mukha niya. Napakaganda talaga.




"I want to have a beach honeymoon, babe! 'Yung swimming sa umaga, marami tayong pictures na ite-take na pictures habang naglalangoy, maggagawa rin tayo nung mga sand castle tapos sa gabi, magbo-bonfire o kaya magsisindi ng fireworks. 'Diba ang daming p'wedeng gawin?" She smiled and held my head para ihiga sa balikat niya.



"Aw, 'yun lang gusto mong gawin? Ayaw mo ba nung iba pa na mas exciting, babe?" Napalayo naman siya kasabay ng pamumula ng mga pisngi niya. Napalakas naman ang tawa ko at itinaas ang dalawa kong kamay na para bang hinuhuli ako.


"Sorry, I won't tease you anymore. Genevive."


The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon