Chapter 24

239 6 2
                                    

Marco's POV:

                             Several months have passed. Ang dami na ring nangyari sa buhay ko simula nang umalis ako sa bahay na once kong kinakaayawang alisan. Mas naging masaya ang buhay ko kasama ang buong pamilya ko. Sina Mom at Dad, sobrang sweet pa rin sa isa't-isa, sana all 'di ba? Sina Keiko at ate Mandy naman, kasing kulit pa rin ng dati. Ang kaibahan lang, siyempre hindi pa rin maalis sa isipan naming lahat ang kaba at tensiyon dahil kay Jonathan. Ilang buwan na rin niya kaming hindi ginugulokaya nakakapagtaka na hanggang ngayon, wala pa rin siyang ginagawa. Kailangan naming maging alerto.



"Kuya Sereniah, are you off to work na?" Sambit ni Keiko habang hawak hawak si Marene. Oo nga pala, hindi ko nasabi, nakuha ko na siya ulit. Maaalagaan na nang maayos si Marene.


"Oo, Keiko. Bakit, gusto mo ba ng goodbye kiss mula kay kuya?" Pagbibiro ko habang inaayos ang necktie ko sa tapat ng salamin sa sala.




"AAAAA! Sexual harassment! Ayaw ko nga!" Sabi niya sabay takbo. Ilang taon na, napakalikot pa rin HAHAHA. Napatawa naman ako at nagpatuloy nang ayusin ang necktie ko. Bakit ba ang hirap nito palaging ikabit? Kung si Gene siguro, mas mabilis 'tong maaayos.





Wait. Did I unconsciously think about her? Again? Ano ba naman 'yan, Marco. Wake up.




Matapos kong ayusin ang sarili ko ay kinuha ko na ang bag ko at dumiretso sa parking lot ng area namin. Sariling sasakyan ko naman 'to kaya I can move on my own pace. Isa pa, mukhang nauna na rin sina Dad at ate Mandy sa company at ako, still as late buzzer as ever, lagot nanaman mamaya hahahaha.




"Good morning, Sir Heneral."

"Good morning, Sir."

"Magandang umaga po, sir Heneral!"


Bati ng ilan sa mga empleyadong nagtatrabaho sa company ni Dad. Binati ko rin naman sila pabalik at kasabay na sumakay sa elevator.





"Girl, alam mo ba, lately merong rumors around the company na may babae raw na laging naghihintay sa lobby from lunch time to evening. Buntis nga ata 'yung girl eh although hindi masyadong halata since petite type lang din daw siya." Nagchichismisan nanaman ang mga taong 'to, keaga aga sa umaga. Hay. Hindi ba sila naaapektuhan sa presensiya ko? Dapat ba maging strict-looking din ako para mawindang sila at manahimik?


"Oo, nabalitaan ko nga rin! One time nga, nakita ko siya pero para siyang manang kasi ang stressed niyang tingnan. Tinanong pa nga ng staff sinong hinahanap kaso ayaw naman daw magsalita."


"Girls, 'wag masyadong usisera. Psst andito pa si sir Heneral ano ba? Mind your ethics naman." Finally, someone spoke. Lately, I've been hearing that same tone of voice whenever I go inside this company. Kaso lang, hindi ko properly na tinitingnan 'yung babae dahil hindi naman ako interesado sa kahit na sino. Nanahimik na rin naman 'yung mga babae at nagpatuloy na ang elevator hanggang sa makarating ako sa floor ng office ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon