Chapter 05

439 8 0
                                    

Marco's POV:


'Di ko inakalang kaya ko pa palang magtaas ng ganoong tono ng boses lalo na sa asawa ko. Hindi ko sinasadyang makapagbitaw ng ganoong salita sa kaniya dahil sa mga nangyari kagabi. Maybe I crossed the line. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naririnig na lumabas man lang si Gene ng kwarto. Nakakapag-alala. Kumain man lang kaya siya? Siguro kailangan kong humingi ng tawad. May mali rin siguro akong nagawa kaya nagkakaganito kami ngayon.



Akmang tatayo na ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto.


"Marco." It's Genevive. Natigilan ako sandali bago sumagot.


"Bakit?"




"I will let you go outside. Bumili ka ng mga gamit na kailangan ni Marene. N-nagb-bleed pa rin kasi yung sugat niya. Be back before lunch. Iniwan ko sa fridge 'yung pera. 'Wag kang pupunta kung saan-saan, naintindihan mo? 'Wag mong sasayangin ang perang pinaghihirapan ko." Tama ba ang mga narinig ko? Ako? Lalabas?



Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Halatang nagulat naman ang asawa ko pero nanatiling nakatingin ang mga mata niya sa akin.



"A-Ako? You're allowing me to go outside?" Kailangan kong masiguradong hindi ako nagkakamali ng dinig.



"Yeah. Bakit, nagbabalak ka bang magsumbong sa tatay mo kaya mo sinisigurado sa'kin? Kung ganyan naman pala ang balak mo, then don't even try getting out."




"Ah—hindi, Gene! Gusto ko lang masigurado, hindi ko kasi alam kung tama ba ang narinig ko o hindi." Lumabas ako ng kwarto at sumandal sa pader ng hallway namin. Nakakapagtaka naman. Sa lahat ng dahilan para palabasin ako, bakit ito pa? At bakit parang tiwalang-tiwala siya sa akin kanina na hindi ako tatakas o magsusumbong lang once I got out?



"Just make sure, Marco. I don't really like the idea of you doing shit. Try it once and I'll make sure you'll end up scathed and wounded."


Tumango naman ako kaya nagsimula na siyang bumaba ng hagdan. Ngayon ko lang napansing nakapang-alis pala si Gene. Saan kaya 'to pupunta?




"Nga pala, aalis ako. 'Wag mo na akong isama sa luto ng hapunan." Aniya at tuluyan nang lumabas ng bahay. 'Di rin nagtagal ay narinig ko ang ugong ng sasakyan niyang unti-unting nawawalan ng tunog ng makina.



Hindi na rin ako tumunganga at sa halip ay nagsimula ng magpalit ng damit. Malamang sa trabaho ang punta ng asawa ko kaya hindi na siya nagpaluto sa akin.

The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon