Chapter 23

701 13 14
                                    

-MARCO-

Pauwi na kami ng mabasa ko ang message ni Don. Ti-next ko lang siya na pauwi na ako. Ano naman kayang importanteng bagay ang sasabihin niya? Ba't kailangan kong malaman? Lagi na lang may problema. Hindi ba pwedeng magsaya na lang? P*ta.

Malapit na kami sa bahay ng maisipan kong magpababa na kina Don. Para malaman ko na rin once and for all ang kung ano mang gusto niyang sabihin. Baka kasi importante talaga. Hindi ko na alam ang nangyayari. Simula nung magkahiwalay kami ni Gene, puro ganito na lang ang dumadating sa buhay namin. Ano ba ang tamang gawin? Gusto ko na lang magkaroon ng mapayapang buhay. Bakit ba kailangan pang lagi na lang magkaganito?

Kabababa ko lang sa sasakyan ng makita ko na agad si Don sa labas ng bahay nila habang naninigarilyo. Dilim na rin. Baka nagpapahangin ang taong 'to.

"Donarch." Sigaw ko bago lumapit sa kan'ya. Sinenyasan naman niya akong pumunta sa pwesto niya kaya naglakad na ako palapit.

"Bakit, pare? Anong balita?" Iba makatingin si Don. Parang seryoso. Hindi ako alam pero bigla akong kinabahan.

"Patay na si tito Hubert, pare. Nakita siya sa crime scene na may kasamang babae pero patay na rin."

T*ngina.

"Paano? Ha? Bakit namatay? B-bakit?" Nagsisimula na akong mataranta nang bigla akong makarinig ng boses ng isang babae.

Gene.

"Bakit? Sinong namatay?" Sabay kaming napalingon kay Gene at mukhang gulat na gulat siya nang makita niya ako. Ako rin. Hindi ko naman alam na pupunta rin siya dito.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata.

"Gene, si dad. Ang papa mo. Wala na siya."

A tear fell out of her eye. Hindi siya makapagsalita. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Alam kong mahirap 'to para kay Gene. Na kahit iba ang estadong meron sila ng papa niya, alam kong mahal na mahal pa din niya 'yun. Bakit ba kasi kailangan pang patayin si tito? Bwisit!

"Nakita namin sa bahay ni tito 'yung baril na ginamit pati 'yung babae na nasa kama. Parehas silang walang saplot. Ang obserbasyon ng mga analyst, 'yung babae raw ang pumatay at nagpakamatay pagkatapos. Hindi mukhang kapani-paniwala. Pero sa ngayon, 'yun ang pinaghihinalaan ng mga nasa crime scene. Lumipas na din ang mga araw bago natuklasan 'yung katawan kaya hindi pa rin kami nakasisiguro." Pagpapaliwanag ni Don. Tinitingnan ko naman si Gene at patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya. Mukhang matutumba na rin siya kaya minabuti kong hawakan siya sa bewang para alalayan.

"Okay ka lang?" Tiningnan niya ako at niyakap. 'Di ko alam pero bigla na lang rin akong napayakap sa kan'ya.

"Tol." Mahinang banggit ni Don at imi-nwestrong dun muna siya sa loob ng bahay nila. Tumango lang ako at umalis na siya pagkatapos.

Hindi ko alam kung paano ko siya sisimulang kausapin. Lumalakas ang iyak niya at humihigpit 'yung kapit niya kaya wala akong magawa kung hindi hagurin siya sa likod. Nanginginig ang laman ko sa galit. Ano nanaman bang nagawang masama ni dad ngayon para humantong sa desisyon ang kaaway niya na patayin siya? Napakaimposible naman kung kabit niya ang pumatay sa kan'ya.

"Marco." Gumaan ang yakap sa'kin ni Gene at tiningnan ako sa mga mata.

"Alam kong sala ako sa pagkakataon pero, kailangan kita. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko." Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Gene. Gusto kong bumalik kami sa dati. Gustong-gusto. Pero ang katotohanang baka mapunta ang buhay niya sa kapahamakan ang kinakatakutan ko. Ngayon pa't pinag-iingat ako ni ate kay Jonathan. Ngayon pa't pagod na ang isip at puso kong umasa sa kaayusan namin.

The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon