Chapter 09

363 5 0
                                    

-YSHIE-

I never thought that kuya Naiah will be squeezed into that situation. Akala ko okay sila ni Ate Gene. Akala ko, magiging okay sa kanya si kuya Naiah. But my instincts were wrong. Kahit walang sabihin ang lalaking yun sa akin, alam kong ang asawa niya ang may kagagawan nang lahat ng sakit na natatanggap niya physically ang emotionally.


Si kuya Naiah ang pinaka huling lalaki na hinabol at minahal ko bago ko maisipang mag move on. Kaso, hindi ko kinaya. Hanggang ngayon, mahal ko pa din siya. Tama naman siya e. Masyado pa akong bata. Hindi kami pwede. Saka anong laban ko sa bruha niyang asawa?

Tumayo na ako ng maisipan kong pumunta sa balcony ng kwarto na pinatulugan sa akin ni kuya Arch. Hindi ako makatulog. Kaurat.

"Yshie! Ang ganda ganda mo bakit ka nagpapaka stress sa buhay? Oh my gosh kaloka ka!"

Wika ko sa sarili ko. Haha. Here I go again. Parang tang*ng kinakausap ang sarili.

"Why are you so desperate? May asawa na nga e, hinaharot mo pa. Ganda, wag kang ganyan. Masamang maging kabit. Kailangan mong magpabugbog sa bestfriend mo kapag nangyari yan!"

"Girl, hindi ka mahal okay? Mag start ka na kasing mag move-on! Kaloka ka! Pag 'di dumating si Mr. Right, o paano ka na? Matatali ka sa pagmamahal dun sa lalaking yon. Hay nako ka."

Huminga akong malalim dahil naiiyak na ako. Ayokong umiiyak badtrip naman e!

*flashback*

"Ate Genevive, mahal mo ba si kuya Naiah?"

"Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal."

"Bakit ganun? Parang mas madami ang pagmamahal ko para sa kanya kumpara sa pagmamahal mo?"

Ang ngiting kanina ko pa nakikita kay ate Gene ay biglang nawala at napalitan ng pagkunot ng noo.

"Anong sabi mo?"

"Mahal ko si kuya Naiah. Hindi mo ako mapipigilan."

"Ikakasal na kami! Hahadlang ka pang bruha ka?!"

Lumapit siya sa akin at sinampal ako sa magkabila kong pisngi. Ang sakit. Ano bang masama sa ginawa ko? Nagmahal lang naman ako eh. Bakit parang mali pa din?

"Hoy Yshie, tandaan mo. Kung mahal mo ang boyfriend ko, tigil-tigilan mo na yan dahil kapag hindi ka tumigil, hindi lang yan ang matatanggap mo mula sa akin. Naintindihan mo?!"

Tumungo na lang ako at hinayaang umagos ang mga luha sa pisngi.

"Babe!" Boses yun ni lovelove. Ni kuya Naiah. Tumingala ako para makita siya pero bumungad yung mukha ng bruha niyang girlfriend.

"Umalis ka na dito kung ayaw mong mapahiya at ma reject ng wala sa oras. Ngayon na." Pabulong pero may gigil at galit na sabi ni ate Gene. Wala na akong nagawa kung hindi tumakbo palayo. Nilingon ko ulit si lovelove pero mali pala ang ginawa ko. Nakita ko na bigla siyang hinalikan ni ate Gene.

Tumakbo ako habang umiiyak. Ang sakit. Bakit hindi ko matanggap? Bakit ayaw kong sumuko?

*end of flashback*

The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon