Chapter 14

356 6 2
                                    

-GENEVIVE-

Hindi ko lubos maisip kung bakit ko naitanong ang bagay na 'yon. Genevive! What is happening to you? Are you out of your gorgeous mind?! Hindi ko alam pero mukhang nabigla din si Marco. Aba sino ba naman saming dalawa ang hindi mabibigla sa biglang nabitawan kong salita? Tsh.

Balak ko na sanang bawiin yung sinabi ko pero tumingin sa akin si Marco at itinaas-baba ang kilay niya sabay ngiti.

"Oo naman, Gene."

"Okay. Give me 2 hours. Maliligo lang ako."

Tatayo na sana ako ng biglang hawakan ni Marco ang kamay ko.

"Ubusin mo muna yung pagkain mo bago ka maligo. Baka kasi malipasan ka ng gutom."

Umupo na lang ulit ako at nagpatuloy na ng pagkain para wala ng masyadong usapin. Sinabihan ko naman na si Marco na wag maging masyadong sweet at maalalahanin pero bakit hindi siya tumitigil? Ako naman, siraulong hindi nagrereklamo. Bakit parang nagkabuhol-buhol yung intestines ko kanina nung ngumiti siya? Dahil ba sa gutom? Magkaka-ulcer na ba ako? Mygad.

"Gene, p-pwede ba akong magtanong?"

"Mmm?"

"A-Ano yung kulay ng damit na isusuot mo para sa date natin mamaya?"

"Bakit mo naitanong?"

"Gusto ko lang sanang malaman."

"Hmm. My favorite color."

"Okay!"

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto para humiga sandali at magpagulong-gulong sa kama. Tinakpan ko muna yung mukha ko bago ako nagtitili.

"Kyaaaaaaaahhhhh!!!!!!"

Eto nanaman ako. Bumangon ako bigla at walang sabi-sabing kinausap ang sarili.

"Oy Gene. Bakit ka ba kinikilig? Diba magkaaway kayo?"

"Pero ang gwapo niya kasi nung ngumiti siya kaninaaa."

"Gene! Maghunos-dili ka nga! Asawa mo yun kaya wag mong pinagpapantasyahan!"

"Eeeehhhh!!!"

Laking gulat ko nung biglang buksan ni Marco ang pinto. Sh*t! Nakalimutan ko palang i-lock yung pinto!

"Ayos ka lang ba Gene? Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?"

Napatakip ako bigla ng unan dahil sa gulat ko. Sa lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko maririnig niya kaya mas safe kung tatakpan ko.

"Ah eh, wala. Nakakita lang ako ng butiki na nahulog sa lamp shade. Oo, nagulat lang ako kaya ako napatili."

"Lampshade?"

Nilibot ni Marco yung paningin niya at namataang nasa pinakasiksik na parte ng kwarto yung lampshade ko. Dun kasi ako nag aayos ng folders kaya inilagay ko sa malayo para hindi magulo. Pakiramdam ko mahuhuli niya ako sa palusot ko. Aish!

"A-Ang layo nung lampshade. Nakita mo talagang may nahulog na butiki?"

"O-Oo nga! Ano ba, k-kikilos ka ba o hindi na tayo tuloy?!"

Hindi na siya sumagot at ngumiti na lang sa akin sabay sara ng pinto. Bwisit ka talaga, Marco! Ano bang ginagawa mo sa akin?!

-----------------------------

The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon