Chapter 06

393 6 0
                                    

Warning: The following scenes of this chapter contains a mature content that exhibits sexuality and may not be suitable for some audience. If you find the following parts of this chapter disturbing, avoiding it may be the best thing to do.



Marco's POV:


Isang araw na agad ang nakalilipas simula ng iwan ako dito ni Gene. Kamusta na kaya siya? Si Marene kaya naaalagaan niya?



I'm currently here in the kitchen para magluto ng agahan o tanghalian ba. Ewan, medyo late na kasi akong nagigising dahil wala namang alarm ang mga orasan dito, ni hindi ko man lang alam kung tam aba ang oras nito o hindi. Wala rin namang ingay na gumigising sa akin kundi malalakas lang na ihip ng hangin dala ng mga punong nakapaligid sa bahay.



I only cooked a portion of food na sasakto para sa akin mag-isa. Just like what my wife told me, huwag magsasayang ng hindi naman kailangan. Better follow it or I'll end up getting into something worse again.



"Lift your head. Baby don't be scared. Of the things that could go wrong along the way. I'll get by, with a smile. You can't win at everything but you can try." I started singing as I prepare the food I'll eat.



"Baby, you don't have to worry. 'Coz there ain't no need to hurry. No one ever said that there's an easy way. When they're closing all their doors and they don't want you anymore. This sounds funny but I'll say it anyway."  Patuloy ko habang patawa-tawa pa. I remembered how Genevive used to smile whenever I sing this song to her. The kisses she gives after and the freshness of her gaze every time she looks intently at me.



"Girl, I'll stay. Through the bad times. Even if I have to fetch you every day. I'll get by with a smile. You can never be too happy in this life." Memories like this could never happen again. Now that I think about it, lalo ko lang napapagtantong ang layo na ni Gene sa'kin. Simula nang magkakilala kami, hanggang sa ikasal kami. I guess that happiness could never be felt again.



Kauupo ko lang para sana magsimulang kumain nang biglang bumukas ang pinto ng bahay.




"Serenaiaaaah!!!"


------------------------------------------------------------------------------------


Don's POV:


Naisipan kong pumunta sa bahay nila Marco. Woy! Birthday ngayon ng bespren kong napaka ulol hahaha! Dapat magdiwang. Hindi p'wedeng wala ako sa birthday ng utol ko aba. Napatawa naman ako habang nakatitig sa regalo ko sakan'ya.



Dahil tinatamad akong magdala ng sasakyan at saka dahil hapon naman na at hindi na mainit, naisipan kong maglakad na lang papunta sa bahay nina Marco dahil halos walking distance lang din naman ang kanila mula sa pinagtatrabahuhan ko.

The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon