Chapter 01

1K 10 3
                                    

Marco's POV:

Never in my life did I expected to end up loving someone so shamelessly as this. Hindi ko inaakalang magiging ganito kalaki ang pagbabago ng sitwasyon sa pagitan naming dalawa ng asawa ko. Nagsimula naman ang lahat sa maayos na relasyon. We even loved each other purely before. I am Marco Sereniah Heneral. A house husband. Yeah, unemployed 'cause I was not given the chance to work. But it's okay. As long as she's fine, then all is well.


Nangangatal pa rin ang buong katawan ko. Bawat buhos ng tubig, humahapdi ang mga sugat sa katawan ko. Pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ng puso ko ngayon.


"My feelings sure is fucked up, ain't it?" napangisi na lamang ako at nagpatuloy na sa paliligo.



"Marco, parating na si tita. Move your ass up! You're such a dumbass. Hindi ka ba marunong magmadali? Hindi ka ba nakikinig nung nag-aaral ka? O sadyang bobo ka lang talaga? Bilisan mo!" Sigaw ng asawa ko habang walang tigil na kinakalampag ang pinto ng cr.


Hindi na lang ako sumagot. Ayoko na ng gulo sa ganitong bagay.



Nagbalot na ako ng tuwalya at dumiretso sa kwarto para magpalit ng damit. Ngayon lang pala ako ulit makakapagbihis ng formal. Wala rin naman kasi akong pagkakataon para gawin 'yon.


Habang nagbibihis ay ramdam ko pa rin ang hapdi sa mga pasa at sugat sa buong katawan ko. Hindi pa pala naghihilom lahat ng 'to. Yeah, it's painful. But the only solution is to deal with it. Ganon talaga. Lalaki ako e. Sa tingin niya, lahat ng mararanasan ko, ayos lang.


"Come on! On the way na si Tita Mari. Daig mo pa babae! Tsh." Medyo punit at tastas na pala ang gilid na parte ng slacks ko. Tatahiin ko na lang siguro uli pagkatapos ng birthday ni tita mamaya. Saka matatakpan naman ng tuxedo ko 'to. Ayos na 'to.


I wore my only polo and paired it with a black tuxedo. I also wore my white tie with it at madali lang dahil ia-adjust na lang naman 'yon. Nasanay na rin kasi ako simula pa dati na ako ang maghahanda ng ties ko dahil hindi ko naman mararanasan sa asawa ko 'yon. But, I hope that I could one day.


Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Gusot na gusot ang damit ko at halatang naluluma na ang mga damit ko. Nagsuklay lang ako at nag pabango upang maayos akong tingnan.

After preparing, lumabas na ako at hinanap si Gene. Nakaupo siya sa sofa namin at halatang naiirita na siya. Ang ganda ganda talaga ng asawa ko. Kahit na hindi siya naka-ngiti ay bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang violet na longsleeve dress. You really are making my heart deranged, woman. Nakakahumaling kang titigan.



"O, ano pang tinitingin-tingin mo d'yan, Marco?! Ano ba naman! Padating na siya, mukha ka pang ewan d'yan na nagsasayang ng oras! Jusko naman!" Dali-dali akong bumaba ng hagdan at humarap sa kaniya.


"H-How do I look, Gene?"


Walang bahid ng pag-ngiti o kahit anong saya sa mukha niya habang sinusuri ako mula ulo, pababa sa paa at pabalik sa mukha ko. Biglang tumaas ang kanang kilay niya at pinag-krus ang kaniyang mga braso.

The Battered Husband (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon