Chapter 3: Blue Moon Castle

15.5K 637 103
                                    

Chapter 3: Blue Moon Castle

Sam's P.O.V

"Sam anak, handa ka na ba?" nakangiting tanong ni papa at nag nod nalang ako bilang sagot.

Ang totoo niyan ay hindi pa ako sigurado lalo na't ngayong araw na ang alis namin. Medyo excited pero doble doble ang kaba dahil first time akong lilipat sa magic school.

"May maghahatid po ba sa'tin papunta doon?" tanong ko.

Syempre noh, magic school 'yon. Kahit hindi pa ako medyo naniniwala eh expected ko na meron kaming astig na sasakyan papunta doon. O kaya dahil anything is possible when it comes to magic, we can immediately teleport to school.

"Oo meron, hintayin na lang natin." sagot ni Papa.

Nagbuntong hininga ako at humarap sa salamin upang pagmasdan ang aking sarili. I am wearing a gray oversized jacket with white inner. Sa baba ay highwaist jeans at white rubber shoes. Madaling araw ngayon ibig sabihin ay malamig.

Backpack lang ang dadalhin ko dahil si papa na ang magdadala ng hand carrier ko. Nagtataka nga ako kung bakit wala masyadong dala si papa eh. Siguro'y nilagay niya na din sa isa kong bag.

Mga ilang minuto kami naghintay nang may marinig kaming kumatok sa aming pintuan.

"Anak, halika na. Nandito na ang maghahatid sa atin." I knew it. Agad akong napatayo dahil do'n.

But, why do I look excited though?

Lumabas ako at nakasalubong ko at laking gulat ko nang maksalubong ang amoy expensive na lalaki. Kahit madilim pa sa labas at isa lang ang ilaw namin sa labas ay kapansin pansin ang matinding aura nito. Hindi siya ganon katanda, siguro ay mid 30 na ito pero may itsura pa din.

I raised my eyebrow nang mapansin ko ang galanteng titig niya sa akin. Eh?

What's with the stare?

"Good morning Mr and Ms. Alcantara." bati niya agad sa aming dalawa ni papa."... Allow me to introduce myself, I'm the Head General of the Blue Moon Soldiers, Arwin Paras, at nandito ako para ihatid kayo sa Blue Moon Castle."

"Blue Moon Castle?" kumunot ang noo ko. ".. Hindi ba Blue Moon Academy ang punta namin?" that was Papa told me recently. Or mali lang pagkakarinig ko?

At isa pa, kung sa Blue Moon Castle kami tutungo, ano naman ang gagawin ko doon?

"You're right, Ms. Alcantara, pero dadaan muna tayo sa Blue Moon Castle bago tayo dumiretso sa Blue Moon Academy. You will be examined first by the six masters to identify your element and there's a chance that you can speak to the queen of the Blue Moon Castle." paliwanag ni Sir Arwin.

Six Masters? Queen? Huh? It looks like those fantasies that I never believe about becoming initially possible.

"Mr. Arwin, maraming salamat po dahil nagprisenta po kayong maghatid sa amin patungong Blue Moon Castle." sabi ng tatay ko kay Sir Arwin at ngumiti na lang ulit si Sir bilang tugon.

"Well, are you ready?" tanong nito at sabay naman kaming tumango. "Let's go." sabi ni Mr. Arwin na nagsimula ng maglakad at sumunod naman kami ni papa sa kaniya.

Mahaba ang nilakad naming tatlo hanggang sa makalabas na kami sa aming subdivision. Nagtataka pa ako dahil mag-isa lang si Sir Arwin tsaka puro lakad lang ang ginagawa namin.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon