Chapter 16: Celessian Language

9.5K 413 51
                                    

Chapter 16: Celessian Language

Sam's P.O.V

"AAAHH! ANG HIRAP!" isinubsob ko ang aking mukha sa desk at binitawan ang hawak kong ballpen.

"Bear with it, Sam. Ganoon talaga lalo't first time mo lang dito at wala ka pang experience sa pagsasalita ng Celessian Language." sabi pa Chloe, nilingon ko siya, seryoso pa siyang nagsusulat sa kaniyang notebook at nang matapos ay ibinigay niya 'yon sa'kin.

"Ayan yung mga basic letters ng Celessian Language. Pag nakabisado mo na 'yan, madali na lang sayo ang magsulat at magbasa ng mga Celessian Words." paliwanag niya sa mga sinulat niya sa notebook.

Tinignan ko ito nang mabuti. At halos manlumo ako nang makitang halos magkakapareho lamang ang mga ito! Parang cursive lamang ito at laging may palawit sa dulo na ewan!

What the hell!? Ano 'to, noodles?

Kung sa tutuusin, bawat letter ay madali lang gawin, pero pagpinagsama sama mo na ito, malilito ka talaga nang bongga! At paano ko 'to mababasa? Eh pagsasalita nga ay hindi ko mabigkas eh! Hays... 

Pero tama naman si Chloe. This is one of your challenges in this Celestial World, Samantha. Kaya kung gusto mong mabuhay ng maayos at maginhawa dito, lahat ay dapat mong matutunan at lahat ay dapat mong paghirapan.

Dahil ibang iba ang mundo ng mga ordinaryong tao, sa mundo ng mga mahika. 

That's the fact. 

"Chloe, ilang minuto na lang bago mag-start ang klase natin sa Celessian Language?" I asked out of curiosity. 

Tumingin siya sa kaniyang wrist watch sabay sagot nang, "May 33 minutes pa tayo para mag-study. Pero akyat na tayo before ten minutes, mahigpit sa oras ang prof natin doon eh."

Tumango ako. This is bad, 33 minutes is not enough for me to learn all of this confusing letters! Kung alam ko lang na ganito kahirap edi sana maaga pa lang ay pinag-aralan ko na ito.. 

But don't give up, Sam, and cope up with an idea, "Chloe, instead of learning these Celessian Letters, pwede mo ba akong turuan ng mga basic words ng Celessian Language? Like mga greetings, gano'n?"

Parang may nag-pop na light bulb sa taas ng ulo ni Chloe nang sabihin ko 'yon, "Oo nga noh! Sige sige, game ako d'yan!" maligalig niyang saad at nagbuklat ulit ng notebook. 

Napangiti naman ako. Mabuti na lang talaga maasahan 'tong si Chloe.

***

"Woah, ang daming tao.." bulong ko nang makapasok kami sa mala-auditorium dahil sa laki at lawak nito. Sobrang bongga rin grabe! 

Ang pinagkaiba lang ay may mahabang chairs at table sa bawat row at nahahati ito sa apat na columns. Sa pinakagitna kung saan nandoon ang malaking screen at podium sa gilid para sa tagapagsalita.

Marami na ring mga estudyante ang nakapuwesto na kaya umupo na rin kami ni Chloe sa pangalawa sa dulong upuan sa ikalawang column dahil wala pang nakapuwesto doon. Pagkaupo ay agad kong nilapag ang aking mga gamit at muling pinagmasdan ang ganda ng loob.

Grabe, hindi ko alam na nag-eexist ang ganito kalaki at kalawak na classroom sa second floor ng Course Class Building. Kung tatantyahin, halos triple ito ng laki kumpara sa isang ordinaryong classroom.

Isa pa, malamig at maliwanag din sa sobrang daming lights na nakatutok sa bawat chairs and table. Kitang kita mo din ang screen dahil parang hagdan na nakapuwesto ang mga table at upuan.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon