Chapter 10: Moon Libray

10.8K 476 28
                                    

Chapter 10: Moon Library

Sam's P.O.V

"This is the Course Class Building." tumigil kami sa isang napakalaking building na may apat na palapag at walong malawak na classroom kada floor, tig-apat sa magkabilang gilid. Napakaganda noon at sobrang maayos ang pagkakagawa.

"Sa first floor ay ang mga classroom ng mga First Year gaya nating dalawa, Sam." sabi ni Chloe. ".. sa 2nd floor naman si Maine since second year na siya. 3rd year students ay sa 3rd floor at sa 4th floor naman ay yung mga 4th year students gaya ni-- ng leader naming si Z-Zedloyd." nag-iwas pa siya ng tingin.

May naamoy agad akong malansa. I knew it. She definitely likes him! The another Curry guy!

Bigla tuloy akong na-curious kung anong klaseng tao ang isa pang kapatid ni mokong. So overall ay tatlo silang magkakapatid. Sa tingin ko ay panganay si Ms. Inzy, pangalawa naman 'tong sinasabi ni Chloe na Zedloyd, at bunso naman ang mokong. Psh.

But, never mind about him.

"Punta naman tayo sa likod nito kung nasaan ang training field." aya ni Maine kaya na agad naming ginawa.

Base sa mga ipinaliwanag sa akin ni Chloe ay para lamang pala itong ordinaryong school kung saan ikaw ay makaka-graduate. Siguro ang pinagkaiba lang dito ay sarili mo ay kapangyarihan mo ang mas bibigyan mo ng tuon at pag-aaralan ng maayos.

Not to mention the beautiful scenery of this Academy. Pangalan pa lang pang magic school na.

"This is the training field." hindi ko namalayan na nandito na pala kami kaya pinagmasdan ko ang buong paligid at napahanga ako sa ganda at lawak nito.

Hindi grass leaves ang ground, bagkus ay kulay brown ito at medyo mabuhangin. Every corner ay may mga bench at may puno na masisilungan sa tabi nito kaya may mga estudyanteng nakaupo doon. Sa gitna ng training field ay napakalawak at talaga namang makakapagtrain ka ng maayos kahit gaano pa kayo karami.

"Dito madalas isinasagawa ang subject na Physical Ability Training and other subject na kailangan ng open space area..." nagsalita na si Chloe upang magpaliwanag. ".. Mapa-shard ability or elemental power ay pwede ilabas sa field na ito. Pero syempre, kailangan din ng consent ng mga prof para makapaglaan ng protective barrier sa buong field bago ka sumabak sa matinding training."

Sumang-ayon ako sa sinabi niya kaya ako napatango. Kaya pala wala akong nakikitang kahit isang estudyante sa gitna ng training field. Tama nga naman, para iwas gulo.

"Let's go sa Moon Library." ani ni Maine at napauna nang maglakad.

"Teka lang naman, Maine. Nagmamadali ka ba?" reklamo ni Chloe at agad naman kaming sumunod kay Maine.

Hindi naman naging matagal ang pagpunta namin dito dahil sa tabi lang ito ng Course Class Building kaya malapit lapit din ito sa Training Field.

Kaya sa labas pa lang ay tanaw na tanaw ko na kung gaano ito kataas. Para itong tower dahil pabilog ito, kulay sky blue ang pader at black ang nauna baba. Ang mas nakakabighani rito ay ang napakalaki na pinto nito ngunit maliit lang ang nakabukas kung saan lang kasya ang mga tao pumasok. Sa taas ng pinto ay may malaking libro ang nakauukit at sa gitna nito ay buwan kung saan nakaukit doon ang Moon Library.

"Do you love books and reading, Sam?" maya maya'y tanong sa akin ni Chloe.

"Hmm.." saglit akong napaisip, ".. I enjoy reading naman pero hindi ganoon kagusto." I honestly said and that's the fact.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon