Chapter 5: The Six Masters
Sam's P.O.V
"Damn it! Why should I need to do this?"
"Huwag ka nang magreklamo! You should be grateful dahil tinuturuan na kitang maging gentleman sa kabila ng ganyang ugali mo.." ngisi ko dahil panay ang reklamo niya sa pagbitbit ng aking back pack.
"Tss! Hindi ko kailangan ng lecture ng mga tanga!" pambabara niya sa akin. Aba!
Tumigil ako sa paglalakad para ambahin sana siya ng suntok pero naiiwasan niya ang mga ito na parang wala lang! Tumatawa pa ang loko habang ginagawa 'yon!
Bwisit na mokong!
"Hindi ka din pala tanga, pikunin din!" aniya habang natatawang iniiwasan ang mga walang kwentang amba ko sa mukha niya.
Tinignan ko siya ng masama at tumigil na. Humabol na ako kay Salis at iniwan siya.
Kainis! Ano ba'ng nakakatawa? Aaminin kong napipikon ako sa mga sinasabi niya kasi nakakainis na talaga! Tanga.. Pikon... kung ano ano ang lumalabas sa bibig ng mokong na'yon! Ganon ba talaga ang mga lalaki?
Ibang iba siya kay Liam!
Malalim akong nagbuntong hininga. I forgot, nasa ibang mundo na pala ako ngayon. A world where powers and magics are existing.
Kaya siguro ganoon ang ugali ng mokong na 'yon, may sumpa sa katawan! Psh!
"Hey, stupid girl!" halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses niya sa akin tabi. WTF!? Ang bilis niya namang makahabol!?
"Ang bigat naman 'tong bag mo, ano ba laman nito? Bato?" ngunit hindi ko magawang pagtuonan ng pansin ang reklamo niya dahil nakatulala lang ako sa kaniya.
Tama siya, dala dala niya pa ang mabigat kong bag kaya paano siya nakahabol ng mabilis sa amin? Wala pang ilang segundo, sumulpot na agad siya sa tabi ko? Or maybe...
Is this it? Am I going to see some real magics?
"Hoy tanga, napano ka?" natauhan ako nang murahin niya na naman ako. Apaka bastos ng bibig!
"A-Aanhin ko naman ang bato?" sabay irap ko. "... ang sabihin mo, mahina ka! Simpleng bag lang hindi mo pa mabuhat! Psh!" asar na singhal ko at nauna nang maglakad.
"If you don't mind, Mr. Curry, I'll carry it." maya'y suhestyon ni Salis sa mokong. Siya naman dapat ang magbubuhat ng mga gamit ko since siya yung guard, pero nag-insist lang ako na ang mokong na 'yon ang magdala para naman kapitan ng kabaitan ang walang hiyang ugali no'n.
Buti nga pumayag. Haha!
"No need. Baka puruhan na naman ako ng katangahan ng babaeng 'to." pagpaparinig niya sa akin.
Tingnan mo, ang bastos ng bibig kahit wala naman akong ginagawa sa'kanya. Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Baka pag pinatulan ko ay kung ano pang lumabas sa bibig ng mokong. Psh!
Mahigit sampung minuto na kaming naglalakad. I am not surprised since malaki at malawak itong Castle. Sa labas ng hallway kami naglalakad since maaraw pa sa labas, para na din may silong kami.
As usual, lumilinga ako sa paligid habang naglalakad kami. Nakakamangha kasi talaga! Kaya habang nandito pa ako, susulitin ko na ang overview sa kastilyong 'to.
"Ano nga palang gagawin natin sa back tower?" maya maya'y tanong ko at nagtaka ako nang tumigil sa paglalakad si Mr. Mokong Curry at masama ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Blue Moon Academy (C.A Series #1)
Fantasy[ON GOING] Celestial Academy Series #1 Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy A new version of Blue Moon Academy. "An academy that represents a power within the moon and possesses a shards ability." -- Genre: Fantasy, Teen Fiction, and Romance Langua...