Chapter 29: Heal

6.8K 347 18
                                    

Chapter 29: Heal

Sam's P.O.V

"Here. Drink this Ms. Alcantara." binigyan ako ng Nurse ng isang baso na mukhang tubig lang naman.

Kaagad ko naman iyong tinanggap at dahan dahang ininom. This tastes familiar, the same potion na pinainom sa akin ni Prince Martin nung last Friday sa Moon Library. So the effects are still the same, unti unting nawawala ang pagod na aking nararamdaman.

"I can't give you a better potion because you need a proper rest. Hindi lang dapat tayo umasa sa potion dahil may side effects din iyon sa katawan kapag lagi iyong iniinom.." sabi sa akin ng Nurse. ".. especially to your case, alam kong hindi lang matinding pagod ang nararamdaman mo ngayon lalo na't may mga galos at sugat ang katawan mo.." aniya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko.

Nahihiya naman akong napangiwi. She's right though. Nawala man ang pagod sa katawan ko ngunit hindi pa rin nawawala ang pananakit ng ibang bahagi ng aking katawan. Pati na rin ang aking mga sugat at galos ay medyo mahapdi.

I really pushed myself too much...

Before Zaylik dropped me off here earlier, blanko ang utak ko sa nangyari. Hindi ko alam pero matapos ang matinding naganap, parang wala lang sa akin.

Hindi tungkol sa pagkapanalo ko sa laban namin ni Premo ang tinutukoy ko na parang wala lang sa'kin, kundi ay yung kung paano ako nanalo.

I was so shocked that it made my mind blank.

"Ms. Alcantara, are you listening?" naulirat ako nang tawagin ako ng Nurse.

"P-Po?" Eh? Nagsasalita ba siya?

Malalim siyang nagbuntong hininga, ako naman ay napapahiyang yumuko. Damn it! Akala ko ba blanko ang utak mo, Sam? Ba't ka nag-iisip?

"Anyways, I am requiring you to rest for at least three days. No more training is allowed for you, I'll speak to your Leader about that later.." mahigpit niyang habilin at napatango na lang ako.

I guess, that's for the best. Honestly for me, three days without training is a loss because I need to work hard to catch up to my Team. Ayoko namang maging pabigat sa kanila.

But I guess, kailangan ko rin talaga ng rest. Naaawa na rin ako sa sarili ko eh.

"Nurse Rei, ikaw na munang bahala kay Ms. Alcantara. Let her rest here for two hours bago mo siya bigyan ng medicine okay?" tawag ng Nurse ko doon sa isa pang Nurse.

"Yes po, Doktora." sagot naman nung isang Nurse na nasa table.

Sabay bumaling muli sa akin yung Nurse ko, "Rest and stay here for hours, Ms. Alcantara. Tatawag lang ako ng healer sa facili--"

"I think you don't need to call a healer.." naputol ang sasabihin ng Doktora nang biglang sumulpot si Maine sa aming harap, ".. we have our own." at nanlaki ang mata ko nang makitang kasama niya si Chloe!

"Chloe! Maine!" akmang yayakapin ko sila sa tuwa nang maramdaman kong kumirot ang aking katawan kaya napatigil ako.

"Hay nako, Sam. Look at you... you're so helpless!" sermon agad sa akin ni Chloe at naupo sa tabi ko.

Natawa naman ako, "Ngayon lang naman 'to.."

"Psh! Halika, let me treat your wounds." akmang gagamitin niya na ang kaniyang ability nang pigilan siya ng Doktora.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon