Chapter 8: Teams
Sam's P.O.V
"Nandito na tayo. Which teams do you want to join, Sam? You need to decide early dahil maraming benefits kapag nakasali ka sa team lalo na kapag mataas ang points ng team niyo." sabi ni Chloe na sobrang excited, nawala ang pagkamahiyain niya.
Tumigil kaming dalawa ni Chloe sa isang malaking screen. Oo, malaki ang screen, one fourth ng screen sa mga sinehan sa mall.
Kataka-takang hindi ko 'to napansin kahapon kahit na matatagpuan lamang ito malapit sa entrance or gate papasok ng school.
"May ganito rin banda sa tapat ng class building at sa cafeteria, pero dito na tayo pumunta kasi eto yung malapit sa dormitories." paliwanag niya pa.
Oh, yayamanin nga talaga ang school na'to.
"Look!" tinuro niya ang nakalagay sa screen na agad ko namang binasa. ".. That's the team top lists, ang may pinakamaraming full moon sa taas ay iyon ang top team ngayong year or semester."
Tinignan ko screen na sinasabi niya, meron ngang full moon sa bawat team.
At ang nangunguna ay ang Team Z na may... 1,2,3,4.... 10 full moons. Sinundan ito ng Team A na may 8 full moons at Team Q na may 7 full moons, at iba pa.
"Total number of full moons represents the total points of a team. The teams who got five full moons and above will have a chance to get on a team top lists..." Chloe started to explain about this. Napatango naman ako, kaya pala seven teams lang ang nakalist dito. "... and nagre-refresh ito every semester, or mostly pagkatapos ng mga missions ng bawat teams."
This is almost like a game, pero teamwork ang batayan. Ganito pala sa mundong ito, imbis na sariling grade ang basehan, teamwork ang kailangan.
And at the same time, paligsahan.
Maya maya'y nagulat ako nang lumipat ang screen. "Teams recruit?" sabay basa ko doon habang nakakunot ang noo.
"Yes, 'yan yung mga available na teams na pwede mong pasukan depende sa iyong Element." Chloe answered at napa-"ohh" naman ako.
"Six Members per teams ang required since anim lang naman ang element power in this world..." patuloy niya sa paliwanag para mas maintindihan ko. ".. since Wind ang element mo, hanap tayo na teams na wanted ang Wind Elementallist."
Kahit medyo naguguluhan pa at tumango ako at ibinalik ang tingin sa screen.
Sa isang screen, isang team ang nakalagay. Nandon ang pangalan ng leader ng team at mga members nila. Sa tabi ng kanilang pangalan ay naka-indicate doon ang kanilang kapangyarihan. EP stands for Elemental Power habang SA naman ang Shard Ability.
BINABASA MO ANG
Blue Moon Academy (C.A Series #1)
Fantasy[ON GOING] Celestial Academy Series #1 Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy A new version of Blue Moon Academy. "An academy that represents a power within the moon and possesses a shards ability." -- Genre: Fantasy, Teen Fiction, and Romance Langua...