Chapter 31: Save Her

6.9K 311 15
                                    

Chapter 31: Save Her

Sam's P.O.V

A woman carrying a crying baby was running in the middle of the rain. Gabi ang mga oras na iyon ngunit tila kay liwanag dahil sa liwanag na taglay ng malaki at bilog na buwan.

"LUNA!"

The woman ran as fast as she could when she heard that scream. Ngunit habang patagal nang patagal, bumabagal din ang takbo niya sapagkat nauubusan na ito ng lakas. Mas lalo ring lumalakas ang pag-iyak ng sanggol.

"Don't worry, I'll protect you my daughter.." bulong niya rito.

"LUNA, YOU WENCH! I WILL NEVER FORGIVE YOU!"

Hanggang sa tuluyan na itong natumba dala dala pa rin ang walang itigil sa pag-iyak na sanggol. Niyakap niya ito nang mahigpit upang hindi ito mabasa sa napakalakas ulan.

"Zhermia--"

"I WILL NEVER FORGIVE YOU AND THAT CHILD!"

"I AM THE REAL QUEEN, LUNA! THE THRONE IS MINE, NOT YOURS! STOP STEALING WHAT'S MINE!"

"I WILL MAKE YOU SUFFER AND TRAP INSIDE THE NEVER ENDING DARKNESS!"

"I WILL KILL Y--"

Mabilis kong minulat ang mata ko kasabay nang sunod sunod nang paghahabol ng aking hininga. Napahawak ako sa aking dibdib dahil mas mabilis pa sa kabayo ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko rin ang pawis sa aking katawan.

WTF!? Was that a dream? No, a nightmare? Ngayon lang ako nanaginip nang gano'n sa buong buhay ko.. 

The images of the face were blurry kaya hindi ko mamukha-an kung sino iyon. I just know the name that I had heard from it.

Luna.

"Already awake?" halos mapatalon ako nang may magsalita sa gilid ko.

Nilingon ko kung sino 'yon at, "S-S-Sino ka?" kinakabahan kong tanong sa lalaking nasa gilid ko at mabilis na lumayo sa kanya. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya dahil naka-cloak siyang itim at suot ang hood. Mayroon din siyang mask na kalahati lang ng mukha ang nakikita.

Sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Kahit saan ako tumingin ay wala akong makita kundi itim. At etong lalaking naka-mask lang ang visible sa mata ko kahit medyo malayo siya sa'kin.

Who is he? And where the heck am I?

Kanina lang ay nasa Blue Moon Academy pa ako pero simula nung nagpakita ang lalaking 'to, bigla na lang ako napunta dito. Siya ata ang may gawa kung bakit ako narito ngayon.

"Sino ka?!" muli kong tanong, tinatapangan ang loob kahit na medyo natatakot na ako ngayon.

But he didn't respond, instead, he slowly walked towards me kaya bahagya akong napaatras. Kinilabutan ako nang humalakhak siya habang nagpapatuloy pa rin sa paglapit sa akin.

Fvcking creepy guy! "H-Huwag kang lalapit!" sigaw ko at umatras ng umatras hanggang sa mapaupo ako at tuluyan na siyang nasa harapan ko.

Sabi nang huwag lumapit eh!

Bahagya pa siyang lumuhod sa harap ko upang magkapantay kami. "Hmm... your eyes really look like your Queen..." he almost whispered as he moved his face closer to mine. Doon ko mas nasilayan ang kabuoan mukha niya.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon