Prologue
"... On a stormy night, a distinctive war between the mages and sorcerers happened. Due to the magical power possessed by the mystical crystal ball, a priestess named Avriah made a crucial decision that will shake the whole world. And that is to destroy the mystical crystal ball into pieces called shards. Making an enemy take more actions to hold those power..."
Nakatingin ako sa labas ng bintana habang pinapaikot ang hawak kong ballpen. Ngayon ay nagsasalita ang aming English prof tungkol sa isang fantasy story na hindi ko naman masyadong pinagtutuunan ng pansin kahit na kailangan kong makinig para may masagot at maipasa.
I mean, it is obviously a fiction. Hindi totoo. Kaya kahit pa kailangan alamin, hindi naman posibleng mangyayari dahil nga gawa gawang kwento lang.
"... A queen of mages gave birth to her firstborn princess. Everything was fine for the queen and her princess until the major ceremony for the princess occurred in their castle and... blah blah blah.."
Princess? Queen? Castle?
'Yan, matatanggap ko pa na tunay at nag-eexist. Pero yung mga power, magic, mages, sorceress? It was all fiction made by an imaginable author. Sa mga pelikula lang yan, mga edit na may magic effects. It can't be possibly real, right?
"Sam.." naputol ang pag-iisip ko nang tawagin ako ng seatmate kong si Juls. "Pakopya ako ng assessment, dun lang sa essay..." bulong niya pa.
Tinignan ko ang papel niya na wala man lang kasulat sulat. Sabay tumingin ako sa papel kong isang sentence palang ang nandoon. Nagbuntong hininga ako bago pinagpatuloy ang pagsasagot. Kawawa naman kasi 'tong katabi ko, baka bumagsak. Syempre, mabait ako eh.
Binigyan kami ng five minutes to finished our assessment. Minadali ko na lang ang akin kasi nga hindi ako makafocus. Plus, ginugulo pa ako ng katabi ko. Mabuti na lang ay hindi kami nahuli.
"Sam, sama ka? Karaoke kami after ng class.."
Busy ako sa pag-aayos ng gamit sa bag nang lumapit sa akin si Aliana kasama ang mga tropa niya. Mostly mga lalaki ang mga tropa nito at kakaunti lang ang babae.
Kaya... "Pass muna, uuwi agad ako eh para tulungan si papa.." It was a white lies para lang makatakas.
Masaya naman magkaraoke, gusto ko nga iyon eh. Ang kaso lang, they almost a group of guys. Si Aliana at Casey lang ata ang babae at limang lalaki na taga-ibang section ata tapos hindi ko man lang kilala ang mga pangalan o mukha.
At kung sasama man ako, baka ma-op lang ako. Hindi ko naman din kasi sila medyo close. Nakakausap lang tuwing groupings.
So it's a no. Sorry..
"Sayang, ininvite pa naman namin si Liam..." napantig ang tenga ko sa pangalang sinabi ni Casey.
"L-Liam..?" bigla kong binilisan ang pag-aaayos ng gamit. "... S-S-Sasama na a-ako.." kagat labi kong sagot at bahagya pang yumuko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa at pagsipol ng mga kalalakihan. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang mukha ko.
Pakshet Sam! Halata ka na ba?
"Are you sure? Diba sabi mo tutulungan mo pa ang dad mo?" I don't know but I can feel that Aliana is smirking at me.
"Crush mo si Liam?" natatawang tanong ng isa sa mga lalaking kasama niya. Mas lalo naman akong yumuko dahil namumula mula na ang aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Blue Moon Academy (C.A Series #1)
Fantasia[ON GOING] Celestial Academy Series #1 Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy A new version of Blue Moon Academy. "An academy that represents a power within the moon and possesses a shards ability." -- Genre: Fantasy, Teen Fiction, and Romance Langua...