Chapter 7

2.1K 79 22
                                    


"They say: the more you hate, the more you love. I think that explains why I love hearing your screams whenever I'm twisting my knife on you."

Femme Fatale's POV

GULONG-GULO ang mga mata ni Ali habang nakatitig sa akin. Animo'y may isang puzzle game sa kan'yang harapan na hindi niya alam kung paano mabubuo. Halos matawa naman ako sa ka niyang itsura. Tila siya isang tuta na nakagapos. Walang kamuwang-muwang. Walang kalaban-laban. Hindi alam ang gagawin.

Nararapat siyang magpasalamat sa akin dahil hanggang ngayon ay pinanatili ko siyang buhay. Na hanggang sa mga oras na ito ay humihinga pa rin siya at may kapal pa ng mukha na magyabang sa harapan ko.

"What is this? What are you doing?" kunot noong tanong niya.

Bahagya kong inilapit ang sarili ko sa kan'ya. Halos magbunyi ako sa kaloob-looban ko nang marinig ko nang mabuti ang malalalim na paghinga niya—senyales na siya'y kinakabahan.

"It's payback time, honey." Isang ngisi ang pinakawalan ko bago ko isaksak sa kanang hita niya ang kutsilyong hawak ko.

Lalong lumapad ang ngisi ko nang marinig ko ang malakas niyang pagdaing. Kung tutuusin ay matagal na dapat patay ang walang hiyang ito. Sa lahat ng sakit na ibinigay niya at ng tarantado niyang pamilya sa akin, kahit anong oras ko siyang patayin noon ay kayang-kaya ko.

Ngunit hindi ko ginawa. Masyadong maganda ang planong binuo ko. Kaytagal kong hinintay ang pagkakataong ito at masasabi kong ito na nga ang pinakatamang panahon.

"What the fuck are you doing?!" sigaw niya sa akin.

Mas lalo akong nanggigil kung kaya't mas diniinan ko pa ang pagkakabaon ng kutsilyo sa kan'yang hita.

"Inutil! Talagang hanggang ngayon ay wala kang kaalam-alam, ano?"nanggigigil kong wika.

"Anong sinasabi mo?!" sigaw na naman ni Ali.

"Tangina mo! Talagang ibinaon mo na lang sa hukay kasama ng adik mong kapatid ang nangyari noon, huh?" Marahas kong hinugot ang kutsilyo at iyon na naman ang nakabibinging sigaw niya.

"Sa bagay... ganiyan naman kayong mga Velleres. Mahilig kumalimot ng mga pangyayari at aakto na lamang na parang walang nangyari. Ganoon kayo kahayop."

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Ano ba 'to? Anong ginagawa mo?!" Nagkakawag siya sa silyang kinauupuan niya at pinilit na makawala sa pagkakatali.

"Shit!" sigaw niya dahil sa kawalan ng kakayahan na makaalis sa pagkakagapos. Tumingin siya sa akin at sa isang iglap ay para bang nanalamin lamang ako nang makita ko ang nagliliyab na galit sa mga mata niya. Agad din namang nanlambot ang ekspresyon niya. Yumuko siya at mariin na napapikit.

"What the hell did I do wrong?"

Humalukipkip ako, nagde-kwatro at sumandal sa aking kinauupuan. Hindi ko siya sinagot at tinitigan lamang. Nang walang makuhang sagot mula sa akin ay nag-angat siya ng tingin at sinambit ang pangalan ko. Hindi pa rin ako umimik. Tanging nag-aapoy lang na tingin ang ibinibigay ko sa kan'ya.

"Can you just please tell me? Hindi 'yong parang gago akong nanghuhula rito kung anong nangyayari! Na kung bakit ganito ang sitwasyon ngayon at kung bakit bigla kang naging gan'yan!" muli niyang sinambit ang pangalan ko.

"Sabihin mo naman sa 'kin... ano bang ginawa ko? Anong ginawa ng pamilya ko?"

Pinigilan ko ang kamay ko na ibato sa kan'ya ang kutsilyong hawak ko. Bumuntong hininga ako bago tumayo.

"Mamatay ka ng kaiisip."

Naglakad ako patungong pinto at lumabas na. Ikinandado ko nang maigi ang pinto at habang ginagawa iyon ay panay ang sigaw ni Ali sa pangalan ko.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon