Chapter 4

2.6K 92 8
                                    


"Not all superheroes deserve to be idolized."

Gabe's POV

HAWAK-HAWAK ni Ali ang kamay ko habang patungo kami sa kan'yang sasakyan dito sa parking lot. Iilang damit ang nabili namin sa mall at syempre, kung saan-saan pa kami namasyal kung kaya't inabot na kami ng dilim. Sabado naman ngayon at bukas ay wala pa ring pasok. Kahit gumising ng tanghali ay ayos lang.

"By the way, babe. Tomorrow's Kuya Aljur's third death anniversary. Mom and Dad are expecting you to come."

Nilingon ko si Ali sa kan'yang sinabi. Ngumiti ako sa kanya.

"Sure, babe. You'll fetch me?"

Nang makarating kami sa harap ng kan'yang sasakyan ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad naman na akong pumasok.

"Of course. Ipagpapaalam kita sa daddy mo." Isinara niya ang pinto at umikot para makasakay na.

"Hmm... alas diez ang punta nila Mom at Dad sa sementeryo. I asked if we can come at maybe... one pm?" saad niya.

"Okay. Pero bakit hindi pa alas diez para sabay na sa kanila?" tanong ko.

His eyes suddenly become playful.

"Susunduin kita ng nine am. Para pagdating natin sa bahay, wala na sila," tugon niya habang hinahaplos ang pisngi ko.

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Wala akong naintindihan.

"Okay? So mags-stay pa muna tayo sa inyo? Anong gagawin natin? We'll prepare food?" naging excited ang tono ko sa huling tanong ko.

Hindi siya sumagot, bagkus ay tumitig lamang siya sa akin. Seconds later, he flashed a very boyish grin.

"I miss you," he said huskily.

Napaawang ang bibig ko at doon ko lamang napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin kanina pa!

"ALI!"

He laughed. Nakasimangot ako sa kan'ya habang siya ay patuloy sa paghalakhak. Tuwang-tuwa sa reaksyon ko at tuwang-tuwa sa kan'yang kalokohan.

"Ali, ha! Death anniversary ng kuya mo, ikaw!"

"So? Come on, babe. I miss you so much." Lumapit siya sa akin at para bang biglang sumikip ang kan'yang kotse.

"Don't you miss the way I touch you?" dagdag pa niya na unti-unti nang pumupungay ang mga mata. Uminit ang pisngi ko.

"Ali?! 'Wag kang makulit! Sige na, mag-drive ka na," utos ko at pinipigilan ang naghuhurumentado kong sistema.

Sa sinabi ko ay napanguso siya at napasimangot. Umayos na siya sa kan'yang pagkakaupo at hindi na ako binalingan ng tingin.

"Hindi mo naman yata ako mahal," Parang tangang sambit niya.

Tumaas ang kilay ko. "Ali..."

"Sa sementeryo na tayo dumiretso bukas. Magtitiis na lang ako."

"Ali! Para kang bata."

Nakakunot noo niya akong nilingon.

"And now you're telling me that I'm a child? Eh gustong-gusto nga kitang maka-sex—"

Natigil siya sa kan'yang pagsasalita nang sunggaban ko ang labi niya.

"Sssshh..." bulong ko sa gitna ng halik. Bibitiw na sana ako kaso ay mas inilapit niya pa ang ulo ko.

Nang gumanti siya sa halik ko ay mas lumalim ito. Rinig na rinig ko ang tunog ng mga labi namin na pabalik-balik ang galaw sa isa't-isa. I brought my hands to his nape and he immediately encircled his strong arms around my waist. Palalim ng palalim ang halikan namin. His fingers were drawing circles at my back. It tickled me and I couldn't help to make a soft moan.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon