Chapter 30

3.8K 85 16
                                    

"I am ready to break all the rules for Gabe."

Garie's POV

NAGTAGO ako sa may mga halamanan nang makita ko ang pagbaba ni Ate mula sa sasakyan ni Aljon. Kumaway siya dito bago tuluyang umalis ang sasakyan. Mas lalo naman akong nagtago nang buksan na ni Ate ang gate at saka pumasok. Hinintay ko siyang makapasok sa loob mismo ng bahay dahil kapag nakita niya ako ay sangkatutak na sermon na naman ang matatanggap ko. Kaya ayaw kong nagpapaalam diyan, eh! Mas nauuna ang sermon sa kanya kaysa pakikinig.

Ngunit mag-iisang minuto na ay hindi parin siya nakakapasok sa loob. Nilingon niya ang daan na tinahak ni Aljon, tila tinitingnang maigi kung nakalayo na ito nang tuluyan. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Mas lalo pang nagdikit ang mga kilay ko nang muli siyang lumabas at lakad-takbong umalis. May kung anong nag-udyok sa akin na sundan siya. Dahan-dahan kong nilakad nang tahimik ang hardin hanggang sa marating ko ang gate. Nang tuluyan akong makalabas ay tinanaw ko si Ate na medyo lumalayo na.

Tumakbo ako upang maabutan ko siya. Bawat poste na nakikita ko ay pinagtataguan ko. Nakita kong huminto si Ate sa isang masukal na lote. Doon ay may nakaparadang kulay pulang motor. Lalo akong naguluhan nang sumakay siya roon at saka pinaandar. Nakanganga ako nang tuluyan siyang makaalis. What was that? Was that her motorcycle? How did she learn to ride it? Kailan pa siya nagkaroon ng ganoon?

Takang-taka parin ako hanggang sa maka-uwi ako galing sa party ng aking kaibigan. Papaakyat na sa ako sa aking kwarto nang bigla na lamang sumulpot si Ate. Madaling araw na, ah? Bakit gising pa siya?

"Wait a minute, Ate. You? Bakit gising ka pa? At this point of time? Madaling araw? Anong ginagawa mo?" tanong ko matapos niya akong tanungin kung saan ako nanggaling.

"Naalimpungatan ako. Hindi pa ako tinatawagan ni Ali kung nakauwi na ba siya. I'm worried." Sagot niya.

Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Tumaas ang kilay ko at umiling-iling. Hindi naman mukhang galing sa pagtulog ito. Liar.

"Huh!" iyon na lamang ang nasabi ko sa kasinungalingan niya dahil kung ako ang tatanungin ay mukhang kauuwi niya lang din galing sa kung saan.

"Hey, baby!" sabay ang akbay at halik sa pisngi ko ni Philip pagkatapos ng training ko sa baseball.

Kalalabas ko lang ng locker room ay heto't nakaabang na pala ang isang ito.

"Tsk! Philip, I'm not in the mood." Reklamo ko sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko.

"Palagi ka namang wala sa mood, what's new?" tumawa siya pero inirapan ko lang. "I have a gig tonight. I want you to be there."

Napalingon ako sa kanya. Nakanguso siya at halatang-halatang nagpapaawa.

"Hindi na naman ako papayagan." Sabi ko na lang.

"Psh! Lagi ka namang hindi pinapayagan, but you can always get away. Come on, baby. I want your support. Hindi ako gaganahan kapag wala ka do'n."

Tumigil siya sa paglalakad kung kaya't tumigil din ako. Walang ibang tao sa corridor na nilalakaran namin—para bang inilaan talaga ang oras na ito para lang sa aming dalawa. Hinarap niya ako at kinuha ang aking kamay. Masuyo niyang hinalikan ito habang nakatitig sa mga mata ko. Kung nakikita lang ito ngayon ni Ate, malamang ay kalbo na ako ngayon.

"Please? You know you're my only inspiration, right?"

Si Philip ay isang bokalista ng isang banda. Madalas silang rumaket sa pamamagitan ng pa-gig gig sa mga bars. Noon niya pa hilig ang musika. Singing is his passion and I'm happy to see him chasing his dream. Magta-tatlong taon na ang relasyon namin. Sa pamilya niya lang kami legal at alam din ng mga kaibigan namin. Ang tanging walang alam ay ang pamilya ko. Papaano'y baka mapatay ako ni Ate kapag sinabi kong may boyfriend na ako.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon