Chapter 1

7.5K 173 18
                                    

Author's Note as of June 2021:
This whole story is UNEDITED. This is the second story I wrote here around 2017. I was a beginner and by the time I was writing this, I was not yet aware of the technicalities of writing. You might encounter some errors. There might be also cringe-y scenes or dialogues, and even childish notes from me XD

"Femme Fatale: A very attractive woman who causes trouble or unhappiness for the men who become involved with her."

Gabe's POV

NANINGKIT ang mga mata ko nang makita ko sa hallway ang tatlong bruha ng BSTM4B. Wala talagang pagkatuto ang mga babaeng ito. Why couldn't they be matured enough? Hindi na sila mga bata para mang-bully. Pare-pareho na kaming magtatapos na ng kolehiyo. They needed to act like one.

"Oops. Sorry, nalaglag ulit," maarteng sabi ng isa sa kanila roon sa babaeng mukhang nerd.

"Babe, 'wag ka nang mangialam. Mamaya ay ikaw pa ang pag-initan ng mga iyan," bulong ni Ali sa akin. Ngumisi lamang ako sa kaniya.

"As if they can," sagot ko naman.

Nilapitan ko iyong mga babae at binangga sila. Sinadya kong ilaglag isa-isa ang mga gamit nila. Gulat na gulat sila sa ginawa ko at kulang na lamang ay sabunutan ako ngunit isang taas ko lang ng kilay ay mukhang suko na sila.

"Oops. Sorry, nalaglag. Paki-pulot." Panggagaya ko roon sa sinabi ng isa sa kanila.

Matalim nila akong tinitigan bago isa-isang pinulot ang sari-sarili nilang mga gamit na nilaglag ko.

"Talagang wala kayong kadala-dala, ano? How many times did the student's council tell you that bullying is prohibited in this University?" diretso kong pahayag. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan nilang tatlo.

"ID's."

Ngunit parang nagsalita lamang ako sa hangin dahil tinitigan lang nila ako nang masama. Napabuntong hininga ako.

"Aljon," tawag ko kay Ali sa likod ko at walang sali-salitang kinuha niya isa-isa ang mga ID na nakasabit sa leeg ng mga babae.

Hindi nakapagsalita ang tatlong babae at napatulala na lamang kay Ali. I know. My boyfriend was freaking handsome. Kaya nga kapag may mga pasaway na estudyante ang ayaw ibigay ang kanilang mga ID ay si Ali mismo ang kumukuha nito mula sa kanila, lalo na kapag mga babae. Wala na tuloy palag ang mga kababaihan dahil napapatulala na lamang sila sa kagwapuhan nito. Pathetic.

Matapos makuha ni Ali ang mga ID ay ibinigay niya na ito sa akin.

"Just get these at the Dean's office and have a talk with her. You may now back off, bitches," panunuya ko pa.

Inirapan lang nila akong tatlo bago sila umalis. Binalingan ko naman ng tingin ang babaeng nerd. Hindi siya makatingin sa akin at para bang hiyang-hiya at gusto na lamang kainin ng lupa. Tumaas ang kilay ko. Hindi siya ang dapat na mahiya, kundi iyong tatlong babaeng iyon.

Lumuhod ako at pinulot ko ang mga nagkalat niyang libro sa semento. Agad din naman siyang lumuhod upang pulutin ang mga ito.

"Ako na, Ate Gabe. Sorry po," mahinang saad niya.

Tumayo na kami matapos naming pulutin ang mga gamit niya.

"Next time, learn to fight back when you're in trouble. Take care, okay?" Nginitian ko siya at nilagpasan na. Maya-maya lang ay inakbayan ako ni Ali.

"Ang bait talaga ni Miss President," bulong nito sa tainga ko. Nginisian ko siya.

"Bolero," sagot ko na lang at niyakap ang baywang niya.

Aljon or Ali like how I usually called him based on his real name Aljon Iñigo was my boyfriend for two years now. Only those who were very close to him had the rights to call him Ali. Ngunit kapag simpleng kakilala lamang niya ay Aljon ang tawag sa kan'ya. Hindi rin naman alam ng mga ito na Ali ang tawag sa kan'ya ng mga malalapit sa kaniya kung kaya't wala silang ibang itatawag kundi Aljon.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon