Chapter 28

2.6K 71 42
                                    


"I love you... but this is not a love story."

Marvin's POV

NAPANGIWI ako nang bahagya akong gumalaw sa pagkakahiga sa kama. Tinakpan ko rin ang mga mata ko dahil sa pagkakasilaw sa liwanag ng buong kwartong kinaroroonan ko. Nilapitan ako ng isang babaeng nakaunipormeng pang-nurse at agad na inalalayan. Nangangalay ako sa pagkakahiga. Gusto kong umupo.

"I w-wanna s-seat." Nautal pa ako dahil sa panghihina.

Isa pang nurse ang dumalo sa akin at sa kabilang gilid ko pumwesto. Inalalayan nila akong dalawa at hindi ko maiwasang mapangiwi sa sobra-sobrang sakit ng katawan. Nang tuluyan akong makaupo ay pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakasuot ako ng pang-pasyenteng damit. Kumikirot parin ang iilang parte ng aking katawan na may tama ng kutsilyo. Hindi ko na matandaan kung paano akong napunta dito sa ospital at kung sino ang nagdala sa akin dito.

But one thing's for sure... I'm alive. I'm fucking alive.

"Natahi na ang mga stab wounds mo, Sir. Mabuti na lamang po ay nadala ka agad dito sa ospital dahil kung hindi..." hindi na itinuloy ng nurse ang kanyang sinasabi at alam ko naman kung ano iyon.

Siguro'y isa ngang himala na nabuhay ako sa dami ng saksak na natamo ko.

"May tama ka po sa dibdib pero medyo malayo sa puso kaya naagapan pa." sabi naman ng isang nurse.

May mga itinanong pa sila sa akin at puro tango at iling lamang ang aking isinasagot. Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang tatlong pulis. Natigil sa kasasalita ang dalawang nurse. Lumapit ang tatlong pulis sa akin at pinasadahan ng tingin ang kalagayan ko. Isa-isa silang nagpakilala sa akin at sinabing sila ang aasikaso sa nangyari sa akin. Kailangan ko lang daw makipag-cooperate sa kanila at magsabi ng totoo.

"Sino ang may gawa nito sa'yo?"

Ibinuka ko ang bibig ko ngunit bago pa ako makapagsalita ay malakas na bumukas ang pinto at pumasok ang isa pang pulis na mas bata sa tatlong narito at isang babae na panay ang salita.

"Carlson, you have to listen! Masyado ka nang nabubulag sa babaeng iyon!"

"Shut the hell up! Umalis ka na! Bakit mo pa 'ko sinundan dito?!" sigaw ng pulis.

Dumiretso na papalapit sa akin ang pulis habang ang babae naman ay nakikitaan ko ng luha sa mga mata habang matalim na nakatingin dito.

"Jerry, Ron!" tawag ng babae sa mga pulis na naunang pumasok dito. Rinig na rinig ko ang desperasyon sa boses niya.

Nilingon siya ng tatlong pulis at ang mas batang pulis ay mabilis na bumalik sa babae pero bago pa ito makalapit muli ay desperada nang sumigaw ang babae.

"Si Gabe Norschmith ang dumukot kay Ali! Siya ang pumatay—"

"What the fuck, Felicity!" marahas na hinigit ng pulis ang braso ng babae at kulang na lamang ay kaladkarin papalabas ng kwarto.

"Siya ang pumapatay!—"

Naglaho ang mga sigaw niya nang maakas na isinarado ng pulis ang pinto nang pareho silang makalabas. Takang-takang nagkatinginan ang tatlong pulis, hindi maunawaan ang ipinagtapat ng babae. Kumuyom naman ang mga kamao ko at umusbong ang galit sa dibdib ko. Kung ganoon ay tama nga ang mga hinala ko? Ang putang babaeng iyon ang pumatay sa mga kaibigan ko at sa akin lang siya pumalya!

Sa ginawa niya sa akin ay mas lalo akong nagkaroon ng rason na hindi pagsisihan ang ginawa namin sa kanya noon. Dapat lang iyon sa kanya! Sayang lang talaga at hindi pa iyon napatay ni Aljur noong gabing iyon eh! Sayang at nakatakas pa! Ngayon, wala akong pakialam kung galit siya sa ginawa namin pero 'pag nakita ko siya ay ako mismo ang papatay sa kanya. Pagsisisihan niyang bawat baon niya ng kutsilyo sa akin ay hindi niya pa itinodo. Hihigitan ko pa ang ginawa niya sa aking ito.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon