Chapter 3

3K 92 10
                                    


"Pain can turn you into a monster."

Kara's POV

TUMAAS ang kilay ko nang makitang magkahawak-kamay na naglalakad sina Ali at ang loser na si Gabe. Tss. Masaya sila ngayon. Pero sisiguraduhin kong sa mga susunod na araw ay hindi na.

"Kara... pabayaan mo na nga 'yang dalawang iyan. They deserve each other, anyway. Parehong walang kwenta," sambit ni Deya sa tabi ko.

Nilingon ko siya at nakita kong nagte-text na naman siya sa kan'yang cellphone. Napairap ako. Muli kong binalingan ng tingin ang ngayo'y palayo na nang palayo na sina Ali. Tinanaw ko kung saan sila patungo at nakita kong sa library sila pupunta. Napailing-iling na lamang ako. Mukhang tuluyan nang nahawa kay Gabe ng ka-weirdohan at pagiging nerd si Ali.

"Sa tingin mo... kung hindi ako nagloko, hindi ako iiwan ni Ali?"

Nagbaba ako ng tingin sa mga damo mula rito sa bench na kinauupuan namin sa gilid ng field. Narinig ko ang pagpalatak ni Deya.

"Girl! Kung talagang mahal ka niya... kahit ano pang kamalian ang gawin mo sa buhay, mapapatawad at mapapatawad ka niya at matatanggap at matatanggap ka ulit niya."

Muli kong nilingon si Deya.

"I understand him. He has the reason to be angry at me. I cheated on him—"

"Was that enough reason to cheat on you, too? Tandaan mo, Kara... hindi masosolusyunan ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Ni hindi ka man lang niya binigyan ng tyansa na ayusin ang relasyon ninyo. Ni magpaliwanag ka nga yata ay hindi niya pinaunlakan, e. Instead... he immediately dated that Gabe. Take note... you haven't even broke up yet that time. Naghanap na agad siya ng kapalit!"

Napabuntong hininga ako sa narinig ko kay Deya. She had a point ever since. Tila nagbibingi-bingihan lang talaga ako upang hindi mapasama nang tuluyan sa mata ng ibang tao si Ali. Oo, nagloko ako pero hindi ibig sabihin no'n na nawala ang pagmamahal ko sa kan'ya nang mga panahong iyon. I was lonely. I was sad... and so as Ali.

He was very busy mourning for the death of Kuya Aljur. He was not talking to anyone, even to me. Araw-araw siyang nakakulong sa kan'yang kwarto. I was trying to be with him through it all, but he chose to be alone. He seemed to forget that he still has a girlfriend.

Napabayaan niya ako. Nabalewala ako. I tried to understand his situation, but I got tired. Nakahanap ako ng panandaliang saya at pagkalinga mula sa ibang lalaki. Hanggang isang araw ay natuklasan niya ang tungkol doon.

Humingi ako ng tawad. Nag-paliwanag ako. Nagmakaawa ako na patawarin niya ako ngunit hindi niya ako pinakinggan. He was so mad at me. Tila siya nawalan ng amor sa akin noong matuklasan niya ang panloloko ko.

Until he met this transferee named, Gabrienne. He started dating her even though we were still together. Hanggang sa... nagdesisyon na siyang hiwalayan ako dahil hindi niya raw ako kayang patawarin sa panlolokong ginawa ko... at mahal niya na rin daw si Gabe.

Naiwan akong mag-isa. Naiwan akong punong-puno ng sugat.

"I still love him, you know."

"Mahal ka ba?" nakataas-kilay na tanong ni Deya. Inirapan ko siya at sinipa-sipa na lang ang mga damo sa paanan ko.

"I'll take him back."

Nawala ang tingin niya sa kan'yang cellphone at kunot noo akong tinitigan.

"What?! Hindi ka ba nadadala? Ayaw na sa 'yo niyang Aljon na 'yan. Hindi mo kailangang ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw na sa 'yo. You are Kara Ayeza Martinez and you are better than that."

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon