Chapter 25

2.1K 58 34
                                    


“Did you fall for her sweet words? If yes, I pity you. You just got fooled.”

Denzel’s POV

“Let’s go somewhere… I wanna be alone with you.” Mapang-akit niyang bulong sa tainga ko sabay kagat dito.

Mariin akong napapkit at pinigilan ang sarili.

“No. This is not right. I’m sorry, I… I can’t go with you.”

Naalala ko ang mga sinabi ni Marvin. Ang paghihiganting sinasabi niya. Ang biglaang pagkamatay ng mga kaibigan ko nang umuwi sila dito. Ngayong naiisip ko ang mga iyon ay nagtatayuan ang balahibo ko habang kaharap ang babaeng ito. Could it be? Is this her way of revenge? Seducing me, Simon, and Jason? Go to a secluded place then… fuck!

“What do you mean you can’t?” taas kilay niyang tanong na parang gulat na gulat. “I know you. You’re a slave to your libido just like your friends. Why the hell can’t you come with me now and fuck me? Huh?”

Napayuko ako. Bawat salitang binibitawan niya ay insulto para sa akin. Ipinapamukha niya kung gaano ako kahayop noon magpahanggang ngayon. Ipinapamukha niya sa akin na hindi ako nagbago. Na kung nagawa ko noon ay magagawa ko rin ngayon. Unti-unti akong inuusig ng konsensya. Alam ko ang kahayupang ginawa ko… namin, pero kung gusto niyang pagbayaran ko iyon para lang mapatawad niya ako… gagawin ko.

“I am really sorry about what happened years ago. Pinagsisisihan ko ‘yon. Handa akong pagbayaran ang kasalanan ko para lang mapatawad mo ‘ko.”

“’Yon naman pala eh. Kung gusto mong patawarin kita, sumama ka sa akin.”

Nagtagal ang titig ko sa kanya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at kusang lumambot ang aking mga mata. I want her forgiveness, but not in this way. May pagkakataon pa ako para magbago at pagbayaran ang kasalanan ko.

Mas gusto kong makulong kaysa mamatay.

“I know what you’re doing. You’re trying to seduce me until I give in. Kapag dalang-dala na ‘ko… saka mo ‘ko papatayin.”

Umawang ang bibig niya at napakurap-kurap.

“Tama ba ako?”

Hindi siya nagsalita. Nanatili ang tingin niya sa akin at habang tumatagal, sumasama nang sumasama ito. Marahan kong hinigit ang kanyang braso at hinila palayo sa dance floor. Nakarating kami sa isang sulok na hindi masikip. May mga tao parin sa paligid ngunit hindi masyadong crowded itong kinatatayuan namin. Matalim parin ang tingin niya sa akin habang ako ay mapang-unawa ang tingin.

“Did you kill Simon and Jason?” nag-aalinlangan ko pang tanong.

Hindi siya sumagot at kung makatingin ay para bang mawawala ako sa kanyang paningin. Kung hindi ko lang siya kilala ay iisipin kong napakaswerte ko dahil ang isang sobrang gandang katulad niya ay pinag-aaksayahan ako ng oras na titigan.

“Bakit ngayon ka lang gumaganti?” hindi ko naiwasang itanong din iyon. Umirap siya.

“Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.”

Nagulat ako nang sumagot siya. Buong akala ko ay mananatili siyang nakatitig lang sa akin. Sa isinagot niyang iyon ay doon ko rin talaga napagtanto na siya nga ang may gawa no’n sa mga kaibigan ko. Hindi ko na nagawang magulat pa. Wala akong karapatang manguwestiyon. Ni hindi rin ako makaramdam ng galit, pagkamuhi o ano sa aking nalaman. Naiintindihan ko siya. She has all the reason to do that. But killing them and having revenge is not the right justice for her. Gusto kong sabihin iyon ngunit ayoko nang madagdagan pa ang galit niya.

“I’ll pay for my sin. Susuko ako sa mga Pulis.”

Humalukipkip siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon