Chapter 18

1.5K 49 8
                                    


"Not every friend is true."

Femme Fatale's POV

PAGKARATING ko ng antigong bahay ay sa kwarto agad ako ni Ali dumiretso upang matingnan kung humihinga pa ba siya. Naroon siya't nakaupo sa kama habang ang kamay ay nakaposas doon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lagay ko. Dalawang bimpo ang nakayakap sa mga braso kong dumudugo pa rin hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko ang hapdi sa mukha ko marahil ay dahil sa mga pasa.

"Anong nangyari sa 'yo?!" gulat na gulat na tanong niya habang minamasdan ako.

Inirapan ko siya. "Bakit gising ka pa?! Ala una na ng umaga, a!"

Lumunok siya. "Naiihi ako."

Napangiwi ako at nilapitan siya upang kalagan ang posas niya.

"E paano pala kung hindi ako bumalik dito? Alam mong hanggang alas diez lang ako dito't umuuwi na ako sa amin pagkatapos, hindi ba? Ano, iihian mo itong kama at ako pa ang paglilinisin mo?!" Hindi naman siya umimik hanggang sa makalagan ko siya. "Bumalik lang ako rito upang dito ko magamot ang mga sugat ko. Hindi ito pwedeng makita sa bahay."

Tumayo na siya at kunot noong sinuyod ang kabuuan ko.

"Bakit ganiyan ang itsura mo?"

"Wala kang pakialam! Labas, bilis!"

Tinulak ko siya hanggang sa makalabas. Nagtungo na agad siya sa banyo habang ako naman ay dumiretso sa lababo sa kusina upang hugasan ang duguan kong mga braso. Napapikit ako sa hapdi nang maramdaman ko ang tubig na unti-unting dumadausdos sa bawat sugat na natamo ng aking braso dahil sa bubog ng vase na ibinato sa akin ng tarantadong Jason na 'yon. Lumingon ako sa likod nang marinig ko ang mga yapak ni Ali. Nakatunganga siya sa akin kaya kinunutan ko ng noo.

"Ano? Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog! Blöd!"

(Translation: Stupid!)

Binalewala niya ang sinabi ko dahil lumapit pa siya sa akin at pinanood ang paghuhugas ko ng sugat. Lalo lang akong nairita!

"Are you okay?"

"Do I look okay? Ganito na nga ang lagay ko ay nangungulit ka pa?!" sigaw ko.

Bumuntong hininga siya at bahagyang umatras. Ipinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng dugo. Talagang makulit ang kingina dahil nanatili siyang nakatayo sa gilid ko. Kumuha ako ng pampunas at dinampi-dampi iyon sa sugatan kong mga braso. May dugo pa rin syempre, ngunit hindi na ganoong karumi katulad kanina. Tumama ang matalim kong tingin kay Ali na hanggang ngayon ay kuryoso pa ring nakatingin sa mga sugat ko.

"Ano ba?! Gusto mo patulugin pa kita at ihele—"

"I'm just thinking if I can help—"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Lalo na't kung galing sa 'yo. Tumabi ka!"

Dinanggil ko ang braso niya at binuksan ang kabinet na naglalaman ng first aid. Umupo ako sa lamesa matapos kunin ang mga kailangan ko sa paggagamot ng aking mga sugat. Ipinatong ko ang mga ito sa lamesa.

Si Ali ay nakatayo sa harap ko—pinanonood akong lagyan ng Betadine ang bulak. Dinampi-dampi ko ito sa bawat hiwa sa braso ko at hindi ko mapigilang mapangiwi sa sakit at hapdi.

"Anong nangyari? Sino na naman ang inaway mo?"

Tss! Hindi ba p'wedeng, ako ang inaway? Sabagay, ako naman talaga ang nagsimula ng bangayan namin ng Jason na iyon.

"Hindi ko akalaing hindi man lang magtatagal ng isang linggo ang Jason na 'yon dito sa Pilipinas," nakangisi kong saad.

Sandaling natahimik ang paligid. Hindi ko alam kung nakuha niya ang ibig kong sabihin para matahimik o dahil nag-iisip pa siya kung iyon nga iyon.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon