Chapter 2

3.8K 113 14
                                    


"The closest can easily reach what it wants."

Gabe's POV

NAGBABA ako ng tingin sa tumutunog kong cellphone na nakapatong sa lamesa. Tumatawag si Ali kung kaya't dali-dali ko itong sinagot. Agad namang naging mapanuri ang mga mata ni Fiona sa akin na siyang kasama ko ngayong kumain ng meryenda.

"Hi, babe!" bati ko.

"Hello, babe. Where are you?"

"I'm with Fiona. We're eating snacks in the cafeteria. Bakit?"

"Okay, I'll go there—"

"Huh? Hindi ba't may klase ka ngayong oras na ito? Ali, don't tell—"

"No, babe. I'm not cutting classes. Absent 'yong prof namin. Punta na 'ko dyan, ha? May sasabihin lang ako," sabi pa niya.

Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko ay magcu-cutting na naman siya. 'Pag talaga hindi siya naka-graduate ngayong taon na ito, malilintikan siya sa akin!

Ibinaba ko na ang cellphone ko sa lamesa matapos ang tawag. Narinig ko ang pagtikhim ni Fiona sa harap ko kaya napaangat ako ng tingin sa kan'ya. Tinaasan ko siya ng kilay na tila nagtatanong. Bumuntong hininga naman siya.

"Hulaan ko. Magpa-party na naman 'yang Aljon na 'yan, ano? Kaya tumawag sa'yo?" aniya na para bang siguradong-sigurado na sa kan'yang konklusyon.

"Hay nako, sis. Sabi ko naman sa 'yo noon pa, hiwalayan mo na 'yan! He's such a party guy! Napaka-happy go lucky—"

"Fiona, chill. Hindi naman siya masyadoong ganoon. At saka... tumawag siya sa akin para sabihin na pupunta siya dito. Hinahanap niya 'ko."

Napangiwi siya at halatang ayaw tanggapin ang pagkakapahiya. Napailing-iling na lamang ako.

"O, e, akala ko ba may klase iyon ngayon? Kaya nga ako ang kasama mong mag-meryenda ngayon, hindi ba? Nag-cutting—"

"Absent ang prof nila."

Napairap na lamang siya sa isinagot ko.

"Kunwari lang 'yon! Nagpapauto ka roon? Hay naku, Gabe!"

Sinimangutan ko siya at inirapan na lang din. Hindi ko makuha ang punto kung bakit inis na inis ang kaibigan kong si Fiona kay Ali. Pareho sila ni Garie. Hindi ko malaman kung saang lupalop nakuha ang pinanghuhugutang galit. I mean, I just think it was nonsense. Galit si Fiona kay Ali dahil sa negosyo ng kani-kanilang pamilya. Magkakumpetensya kasi ang mga Velleres at ang mga Santos pagdating sa negosyo.

Malaki ang galit ni Fiona at ng pamilya niya sa mga Velleres kung kaya't pati si Ali na nananahimik at hindi naman nakikialam sa negosyo ng kan'yang pamilya ay nadadamay. O, 'di ba? Ang babaw!

"Hi, babe!" Hinalikan ni Ali ang pisngi ko pagkalapit niya sa aming lamesa.

"In speaking of the devil. Tss," narinig kong bulong ni Fiona. Napatingin sa kan'ya si Ali at tiningnan siya nito ng masama.

"Ali..." banta ko sa boyfriend ko at hinila na siya paupo sa tabi ko. Bumuntong hininga na lamang ito at hindi na pinansin ang kaibigan ko.

See? Ang bait-bait ni Ali, paano nila nagagawang magalit sa kaniya?

"What are you about to tell me?" nakangiti kong tanong.

"Uh, someone called me earlier para ibalita na nakauwi na siya from Japan after staying there for two years," paliwanag niya.

"Oh, really? Sino siya? A friend? A relative?"

"An ex? A mistress?" biglang singit ni Fiona. Pinandilatan ko siya ng mata at nag-peace sign lang siya sa akin. Si Ali naman ay hindi na lang siya ulit pinansin.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon