Chapter 10

2K 69 9
                                    


"You're a slave to your libido."

Gabe's POV

INIHINTO ni Carlson ang kan'yang sasakyan sa hindi kalayuan ng nasabing lumang warehouse. Nilingon ko siya at agad na nagtama ang tingin namin. Bumuntong hininga siya at saka muling tinanaw ang warehouse sa hindi kalayuan. Muli niyang ibinalik sa akin ang kan'yang tingin. Kita ko ang disgusto sa mga mata niya at kulang na lang ay umapila siya sa gagawin ko.

"Sigurado ka na ba?" tanong niya.

Tumango lamang ako.

Bahagyang umigting ang panga niya at sandali pa akong tinitigan bago tumango.

"Mag-iingat ka. Tawagan mo agad ako kapag may kakaibang nangyari. Tatanawin kita rito."

Muli akong tumango at binigyan siya ng isang pilit na ngiti bago lumabas ng kan'yang kotse. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at malalim na nagpakawala ng hininga.

Nagbaba ako ng tingin sa aking relo at nakitang 5:05 na ng hapon. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at naglakad na ako papuntang lumang warehouse na siyang sinabi no'ng unknown number na nag-text sa akin.

Pumintig ang puso ko sa kaba nang tuluyan akong makalapit. Nilingon ko ang pinanggalingan ko at halos hindi ko na makita ang sasakyan ni Carlson.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Iyon kasi ang plano-hindi maaaring makita ng kung sino mang nagpadala ng mensahe sa akin na may kasama ako. Dapat ay ako lang. Kapag natunugan niya na may kasama akong pulis ay hindi lang ako ang mapapahamak.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong warehouse. Sa sobrang kalumaan nito ay sira-sira na ang ibang muebles. Nakakatakot pagmasdan dahil para bang binabahayan na ng mga multo.

Madumi, masukal, maalikabok at kaunti na lang ay parang kaunti na lang ay magigiba na.

Napalunok ako at humakbang ng isang beses hanggang sa matapat ako sa sira-sirang pinto. Nanginginig ang kamay kong itinulak ito upang bumukas. Langitngit agad ang narinig ko mula rito. Sa tingin ko'y kung nilakasan ko pa ang pagtulak dito ay tuluyan na itong matatanggal sa pwesto.

Umiling-iling ako at dahan-dahan nang pumasok sa loob. Sinalubong ako ng dilim ng buong lugar. Kinapa-kapa ko ang magkabilang dingding sa gilid ko, nagbabakasakali na baka may switch ng ilaw.

Bahagyang lumiwanag ang paligid nang makapa ko sa kaliwa ang isang switch. Hindi man ito ganoong kaliwanag ay sapat na upang makita ko ang paligid.

Madumi; punong-puno ng agiw ang dingding, at maaligasgas ang sahig. Marami ring nakakalat na bote at iba't-ibang balat ng pagkain sa sahig. May mga silyang nakatumba. Ang iba rito'y sira-sira na. Sa isang sulok ay may isang lamesa na sa tingin ko'y isang sipa na lang ay bibigay na.

Tumikhim ako. Nasaan na iyong taong nagpadala sa akin ng mensahe? Nandito ba si Ali?

Naglakad pa ako sa kalooban ng warehouse ngunit kahit isang tao ay wala akong nakita. Wala rin akong naririnig na kahit anong kaluskos na senyales kung may tao ba.

"Ali? Are you there?" tanong ko sa kawalan ngunit tila nagsalita lamang ako sa hangin.

Ilang minuto ko pang nilibot ang buong warehouse at napagtantong wala naman akong mapapala rito. Inis akong bumuntong hininga at kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon. Tinawagan ko si Carlson.

"Gabe? Ano, ano nang nangyayari riyan?" nag-aalalang tanong nito sa kabilang linya.

"Wala namang tao rito, Chief. Ali's not here," saad ko sa mahinang boses.

Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka mamaya ay nagtatago lang pala ang taong nagpadala sa akin ng mensahe.

"Ano? Akala ko ba nandiyan daw si Al-"

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon