Chapter 21

1.6K 47 1
                                    


"No secrets can be kept forever."

Femme Fatale's POV

TINALON ko ang kamang kinahihigaan ni Ali at sumiksik sa tabi niya. Muli kong pinindot sa IPad na hawak ko ang artikulo na nabasa ko kanina sa social media. Walang mapaglagyan ang ngisi ko habang hinihintay na magbukas muli ang artikulo. Naramdaman ko ang paggalaw ni Ali at narinig ko ang kalansing ng posas sa tuktok ng kama. Naupo siya ngunit nanatili akong nakahiga na ngiting-ngiti. Nang mag-open ang hinihintay ko ay tuwang-tuwa akong napatingala kay Ali. As usual, wala na namang kangiti-ngiti ang mukha niya habang nakatingin sa masaya kong mukha.

"Look!" umangat ako ng kaunti at iniharap sa kanya ang IPad ko.

Dumiin ang titig niya sa akin na tila ba asar na asar bago tamad na inilipat ang mga mata sa ipinapakita ko. Habang tumatagal ang pagbabasa niya sa balita ay umiigting ang kanyang panga. Mukha na naman siyang magpapalit ng anyo dahil sa galit na bumabalot sa mga mata niya. Mas lalo naman akong nangingiti hanggang sa hindi ko na napigilan at napahalakhak na ako. Ibinaba ko ang IPad.

"Grabe! Hindi ko akalaing magaling ka talaga sa ganoon, ha! Bravo!" pumalakpak pa ako sa mukha niya. Inis naman siyang umiwas.

Muli kong ibinaba ang tingin ko sa aking IPad at natawa na naman.

'The Maurello Rimando Velleres Corporation system, sales, accounts, and computer programs have been hacked. MRV Corporation is now facing bankruptcy.'

Iyon ang sabi sa headline. Lumakas ang tawa ko.

"Hindi parin ako makapaniwala, Ali! Ang galing mo! Paano mo nagawa iyon?" Napailing-iling ako dahil sa pagkamangha. "Hindi magtatagal ay baka pati bahay ninyo ay ibenta ng mga magulang mo dahil sa kawalan ng pera. Aww, saan na lang sila pupulutin?" pinalungkot ko ang boses at mukha ko pero sa huli ay tumawa rin.

Nakatitig lang siya sa akin nang walang ekspresyon pero ramdam ko ang sobra niyang pagkaasar. Kapag ganyan ang mukha niya, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Wala naman akong pakialam pero baka kasi iniisip niyang tumakas ngayon dahil sa kalagayan ng pamilya nila. Bumuntong hininga ako at humalukipkip. Tumalim ang tingin ko sa kanya sa aking naisip.

"Wala ka bang sasabihin?" inis kong tanong. Wala akong natanggap na tugon. Ni hindi man lang nagbago ang blangkong ekspresyon niya. "Hoy! Ano ba?!" hinampas ko ang hita niya.

Bumaba ang tingin niya sa nanatili kong kamay doon. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago ibinuka ang bibig.

"Should I need to say something?" supladong tumaas ang kilay niya.

"Ewan ko. Kaya nga tinatanong kita eh. May gusto ka bang sabihin?" nag-uumpisa na akong mairita.

"Wala nga. Can you stop asking?" hindi ko alam kung sino ang mas naiirita sa amin. Umikot ang mga mata ko.

"So wala kang pakialam na maghihirap na ang pamilya mo—"

"What?—"

"Parang ayos lang sa'yo na bankrupt—"

"Pinagsasasabi mo?—"

"Ano pa kayang pwede kong gawin sa kanila—"

"FUCK, WILL YOU SHUT IT?!"

Natigil ako sa tuloy-tuloy na pagsasalita at bahagyang napaatras sa malakas niyang sigaw. Nagtatagis ang ang bagang niya at bumilis ang paghinga. Namumula na rin ang leeg at tainga niya dahil sa sumabog na galit.

"Tapos na! I already did what you told me to! Ano pang gusto mong sabihin ko? That I'm happy about it? That I like what I did? Tangina, pamilya ko 'yon! Pero may magagawa pa ba 'ko? Nangyari na eh! Nagawa ko na! What's the point of saying something now, huh? What's the point of saying how much I hate you right now because of what you made me do?!"

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon