Chapter 23

1.6K 48 5
                                    


“We are all just animals; sometimes clean, most of the times… dirty.”

Third Person’s POV

PINANOOD nina Marvin at Denzel ang pagbaba ng kabaong ni Jason sa lupang paglilibingan nito. Napuno ng iyakan ang buong paligid. Pinaghalong galit, lungkot at pangungulila ang nararamdaman ni Denzel habang pinipigilan ang nagbabadyang luha. Ang biglaang pagkamatay ng mga kaibigan niya ay lubusang nakakagulat. Hindi niya nga halos matanggap ang balitang patay na si Simon tapos ngayon, pati si Jason? Kung ano-anong tanong ang nabubuo sa isip niya.

Sino ang may gawa ng lahat ng ito?

Bakit purong mga kaibigan nila ni Marvin ang target?

Sino ang dumukot sa kapatid ni Aljur?

May koneksyon ba ang nangyayaring patayan sa pagkawala ni Ali?

“Pare.”

Narinig ni Denzel ang pagtawag sa kanya ni Marvin sa likod. Mula sa pakikipagtawanan sa isang kakilala na naroon din sa libing ay nilingon niya ang kaibigan. Magalang siyang nagpaalam sa kausap bago binalingan ito.

“Ano?”

Huminga ito ng malalim. Napansin niya rin ang pamumutla nito at hindi niya maiwasang mag-alala. Magtatanong na sana siya nang magsalita ito.

“M-Mali yatang u-umuwi pa tayo d-dito sa Pilipinas.”

Nangunot ang noo niya. “Anong ibig mong sabihin?”

“H-H-Hindi ka ba natatakot? Pare, umuwi lang sina Jason at Simon dito tapos biglang namatay? Ngayon ko lang napagtanto eh.” Nanginginig ang kaibigan niya habang nagsasalita. Nanatili naman siyang nakikinig lang dito. “Hindi ba si Simon lang naman talaga ang may balak na umuwi dito dahil sa kompanya nila? P-Pero nang mabalitaan ni J-Jason na napatay ito dagdag pa ng balitang nawawala si Ali, agad siyang nagpasya na umuwi upang makatulong sa kaso.”

Tumango-tango si Denzel. Naiintindihan niya ang sinasabi ni Marvin.

“Nakukuha mo ba, p’re? Parang kilala no’ng suspek sina Simon at Jason. Parang planado ang lahat ng ito. P-P-Pano kung… t-tayo naman ang isunod—“

“Ano ka ba? Para kang bakla! Saka… baka nagkataon lang ‘yon.”

Mabilis na umiling-iling ang kaibigan niya.

“Pare, hindi eh. Mukhang tayong magkakaibigan ang tinatarget. Narinig mo naman si Tita Carmina, hindi ba? ‘Yong hinahanap na suspek sa pagpatay kay Simon, ‘yon din daw ang dumukot kay Ali. Si Jason, dahil U.S Agent, binalak tumulong sa paghahanap kay Ali. Baka iyon ang dahilan kung bakit siya pinatay!”

“Tss! Ano namang kinalaman natin kay Ali? Si Aljur ang kaibigan natin, hindi siya. Bakit mo naman naisip na idadamay ng suspek ang grupo natin, eh wala naman taong kinalaman kay Aljon.”

Ngunit hindi kumbinsido si Marvin. Hindi parin ito mapalagay. Nagsisisi ito kung bakit pa siya pumayag-payag na samahan si Denzel na umuwi ng Pilipinas. Pakiramdam tuloy niya ay bilang na lang ang mga araw niya. Malakas din talaga ang pakiramdam niya na ang nangyaring pagpatay kina Simon at Jason ay may kinalaman sa pagdukot kay Ali.

“S-Sa tingin ko… may kinalaman ang mga nangyayari ngayon…” lumunok pa ito bago magpatuloy. “s-sa… g-ginawa natin noon.”

Hindi na napigilan ni Denzel na tingnan nang masama ang kaibigan. Tila nagpantig ang tainga niya. Iyon ang pinakaayaw niyang marinig. Kailanman ay hindi niya na binalikan pa ang pangyayaring iyon. Ayaw niya nang alalahanin pa. Pinilit niyang kalimutan iyon kahit na mahirap pero nagawa parin niya. Ngayong narinig niya na naman iyon ay parang nagdidilim ang paningin niya.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon