Chapter 16

1.6K 50 12
                                    


"When we don't know who to hate, we hate ourselves."

Gabe's POV

NAHANAP agad ako ng mga mata ni Carlson pagkapasok na pagkapasok niya sa hapag kainan. I stood up to recognize his presence. Inakay ko siya sa upuan sa harap ko at nahihiya pa siyang umupo roon dahil sa presensya ni Daddy sa kabisera.

"Good morning, Chief! Join us for breakfast, please," nakangiting usal ni Daddy.

"Magandang umaga rin ho, Mr. Norschmith. Nakakahiya naman ho at dito pa ako makikikain," nahihiyang sagot naman ni Carlson.

"Nah, no problem! Hindi ka naman na iba sa amin."

Bumalik na ako sa kinauupuan ko at muling nagtama ang mga mata namin. I smiled at him. He gave me a small smile. Nagbaba ako ng tingin sa aking kinakain. Naalala ko na naman iyong nangyari kahapon. Kung paano niya akong inalalayan at iyong sinabi niya bago siya umalis. I didn't want to give meaning to that, but I just couldn't help it.

May gusto ba siya sa akin?

Pilit kong binalewala ang isiping iyon at nag-utos na lang sa mga kasambahay na pagsilbihan si Carlson.

"Call Garie. It's almost eight in the morning. She'll be late," utos ko sa isang kasambahay. Dali-dali naman itong sumunod.

"How's the investigation, Chief? No lead until now?" tanong ni Daddy.

Tumikhim si Carlson.

"Inaamin ko hong napakahirap lutasin ng kasong ito. Hanggang ngayon ay wala kaming matukoy na tiyak na suspect. Ang mga private investigator na ipinadala namin sa Barcelona upang manmanan si Miss Martinez ay walang nakikitang kakaiba sa mga ikinikilos nito roon."

Napailing-iling si Daddy. My eyes turned to him.

"I am so mad about what happened to Ali, you know, Chief? He's a good boy. He's a great kid. I know him and I am very sure that he never got in trouble. Wala iyong nakakaaway, hindi ba, Gabe?" Bnalingan ako ni Daddy.

Napakurap ako at malungkot na ngumiti kay Daddy.

"Yes, Dad. He don't go in to fights."

"See?" Muli itong bumaling kay Carlson. "I don't see any reason for him to be kidnapped. He's not the kind of person who deserves to be hated. If only he doesn't have parents, I will surely adopt him!"

Daddy gave a hearty laugh. Something poked my heart again seeing him so happy talking about his favorite boy. Ang sarap-sarap niyang titigan na galak na galak, but somehow, it pained me. Tulad ko ay paniguradong nasasaktan din siya sa pagkawala ni Ali.

Napabuntong hininga ako at napatingin kay Carlson na hindi ko namalayang nakatitig na pala sa akin. I swallowed the lump in my throat.

"Good morning, hija!"

Napalingon ako sa kakagising lang na si Garie. Kunot-noo siyang nakatingin kay Carlson ngunit nang balingan siya nito ay mabilis siyang nag-iwas.

"M-Morning, Dad." Naupo siya sa tabi ko. Agad kong naramdaman ang hindi niya pagkakakomportable.

Ano na naman ang inaarte-arte ng isang 'to?

"What time is it? Bakit ngayon ka lang nagising?" taas-kilay kong tanong. Hindi niya ako binalingan.

"I did some things last night."

"Ooh. Some things, huh? What are those, then?"

"Schoolwork."

Pa-insulto akong natawa.

"Since when did you become masipag when it comes to schoolwork? You have low grades, I doubt if you're really spending your nights studying."

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon