Summer.
Bakasyon ng ilan pero para sa amin ay simula ng bagong laban.
2 months to be exact before our most awaited event.
The NLE (Nurse Licensure Examination).Review. Review. Review.
Alam nyo ung salitang Information Overload???
Heto ang nangyari sa amin. Yung tipong pikit pa kami at inaantok pa pero nagsasagot na kami ng isang tambak na test questions araw araw. In-house review bukod pa ang review sa center.My gad! Lord help us! 😑
Hanggang sa nasanay na kami sa aming daily routine and the hardwork pays off! Lagi kaming kasama sa mga top students sa mga major tests na kasama sa program sa center. Kakatuwa namang isipin na yung araw araw naming pagrereklamo sa clinical instructor namin sa in-house dahil sa araw at gabi nyang pamumuyat at pagdrain ng neurons namin ay may maganda palang maidudulot.
Final Coaching.
Isa sa mga pinakaaabangan ng mga estudyante kasi maraming nagsasabi na maraming pakulo ang mga Review Profs na di namin talaga ineexpect.
Wow!!!! Wow talaga. Hands up kami sa mga prof namin kasi habang natututo kami e lalo pa kami naeentertain sa mga pakulo ng mga prof namin.
Biruin nyo, may sing and dance pa??? Daig mo pang nanonood ng live concert sa Araneta!
But of course, learning should take place here. Di naman pwedeng naentertain lang pero di naman pumasok sa utak ang mga info na finefeed sa amin ng center. Mahirap pero kelangan.
Hanggang sa nakaramdam ako ng pagkahilo at parang matutumba ako. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo galing sa ilong ko at sobrang sakit ng tyan ko.
Grabe! Eto ba ang tinatawag na anxiety attack??? Pero di naman ako masyado kabado sa boards e but I felt like I have a lot of pressure in my hands.
Imagine, yung mga relatives ko lahat sila board passers. Syempre in my part, dapat ako din para di naman nakakahiya sa side ng family namin.
Kaya ko ito. Kahit na nag 80/60 na ang BP ko kasi before I know, nasa ER na pala ako ng UST.
Nagcollapse pala ako pero last day naman na ng final coaching. Yung mga prof namin sobrang worried sa kalagayan ko. Grabe! Kinabahan daw sila ng sobra. Good thing here is napagod lang daw ako ng sobra. Puyat daw at stress sabi ng mga doctors dito.
Wala pang one day at nakauwi na din ako sa bahay after the incident. Alalang alala sa akin sina mama at papa pero nakumbinsi ko sila na ther is nothing to worry about dahil ok naman na ako.
.....
2 days prior to NLE.
Parang nagchuchurch hopping kami ng mga kasama ko kasi in one day nakailang visit na kami ng iba't ibang simbahan dito sa Manila.
Wala namang masama kung maniniwala dahil dala dala namin ung mga test parafernallas namin including: pencil, eraser, extra pencils ulit, sharpener, hard board, at ung envelope. Pati ung exam registration namin dala namin kasi pinapabless namin sa mga church na pinuntahan namin.
Siguro naman narinig ni Lord and ng mga Santo nya ang dasal namin. Ang tanging wish lang naman namin e wag sana kaming mawala sa focus during the exams para makapasa kami. I hope we can make it to the top!

BINABASA MO ANG
He loves me. He loves me not.
RomanceAuthor's Note: First time ko pong magsulat dito sa wattpad. Pero nagsusulat na rin ako dati sa publication namin. Di muna po ako magbibigay ng hint kung anong peg ng story na to. :)) Masasabi kong hindi ito katulad ng typical na story na nababasa n...