Chapter 9: Officially His'

11 0 0
                                    

Parang nagkaroon ako ng jet lag dahil sa nangyari nung weekend. Hay. Monday na naman. Ibig sabihin, papasok na ako ulit at makikita ko na naman ang Ken na yun.

Bubuksan ko na sana ang gate para ilabas yung car ko nang biglang nagbeep ang phone ko. Ang aga-aga may nagtext agad sa akin ah! Baka si Jillian lang to at magpapadaan siguro sa kanila para sabay na kaming pumasok sa campus. Napakunot noo naman ako kasi di naka-save yung number sa phone ko. Napaisip ako. Sino kaya ito? Hindi naman nagpalit ng number si Jillian a. Sa pagka-curious ko kung sinong impakto tong nagtext sa akin ay inopen ko pa rin ang message nya.

“Good morning cutie! Rise and shine na! May pasok ka pa today. Ingat ka!” text nung unknown sender.

Hindi ko na sana balak magreply pero parang nangangati na ang mga daliri ko para magreply kaya tinext ko na rin yung unknown sender.

“Good morning din. Sino to?” maikli kong reply.

“J” at yan lang ang reply ng kung sinong kumag na yun.

Eh? Ano daw? Kumusta naman ang smiley lang ang reply? Di na lang ako nagaksaya ng oras at pagod ko para replyan yun. Hmp! Baka nanttrip lang! Tek naman! Saan ba nya napulot number ko? Grrr! Aha! Kay Jillian? Tama! Yun lang namang bruhang yun ang nagbibigay ng number ko kung kanikanino. Gusto ko nga sanang magpalit na ng number kaso ayaw ng parents ko kasi ang hirap daw magmemorize. Jeez!

Pagkarating ko sa campus, wala na yung mga classmates kong kadalasang tumatambay sa quadrangle. Teka, anong oras na ba? Tumingin ako sa relo ko at potek! 8:15am na pala? Bakit di ko napansin yun? Dali-dali ankong dumiretso sa room namin at dun na ako sa likod umupo. (Di ba pag nalalate ka sa klase, sa likod ka lagi umuupo para di ka mahuli ni teacher o ni prof? Aminin? Nakakarelate ka dyan?). Kaso nga lang nahuli yata ng paningin ni prof ang pagupo ko na parang ninja sa likuran.

“Overslept Ms. Ayako?” sita ng prof namin.

“No Ma’am. I just didn’t notice the time due to heavy traffic. I’m so sorry Ma’am.” Paghingi ko ng despensa sa prof namin.

“Well then. Class, we will be having our exam today and kindly prepare your pens and strictly no cheating please. The exam will start in 10 minutes.” Instruct ni prof.

“Hala! Exam? Patay! Di pa naman ako nakapagreview.”Halos mangiyak ngiyak nang sabi ni Jillian.

“Hoho! Yan, yan kasi! Saan ka na naman ba dinala ng mga paa mo kagabi?” sita ko sa kanya.

“Wala naman akong lakad kagabi e. Nagmovie marathon lang kami sa bahay. Kaya ayun, di ako nakapagreview. Medyo inaantok pa nga ako ngayon e. At ikaw naman? Heto nga, nagsisilabasan na eyebags ko e! Teka muna. Bakit ka late aber?” pagiiba nya ng usapan.

“Tsh! As usual, naipit ako sa trafiic! Saglit nga lang. May pinagbigyan ka ba ng number ko?” sita ko kay Jillian.

“Ha? For these past few days? Wala naman. Yung mga dati ko pa ring mga kakilala ang pinagbigyan ko ng number mo. Bakit?” pageexplain nya.

“Ganun? Eh bakit ba naman kasi hobby mo na ang ipamigay ang number ko? Di naman ako congressman o matakbong kandidato para maging open sa kung sino sino lang ano?” pagmamaktol ko sa kanya.

He loves me. He loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon