Chapter 10: Dilemma

7 0 0
                                    

Simula nang sagutin ko si Ken nung birthday ko, nag-iba na ang lahat. Yung mga dating routine ko, nag-turn ng upside down. Kung school-bahay ang peg ko dati, ngayon e school-gala-bahay. Madalas pa nga umuuwi ako ng bahay ng past midnight na. Nagtataka na nga ang parents ko kung ano ba daw mga pinaggagagawa ko sa pag-aaral. Bakit daw ako halos laging gabi na ng umuwi? Hindi ko naman masagot sina Ma at Pa sa tunay na dahilan kasi alam kong magagalit sila at pagbabawalan nila ako sa mga ginagawa ko ngayon kasama si Ken. Nagdahilan na nga lang ako na kyeme marami kaming group projects na ginagawa kasi required sa curriculum kyeme. Pero sa totoo lang, marami naman talaga kaming projects. Yun nga lang, tinatapos ko naman lahat ng yun sa bahay at hindi sa campus. May maipalusot lang e ano?

Wala pang 1 week na naging kami ni Ken ay kalat na kalat na sa campus ang chismis. Itetext ko ana si Ken na dalhan ako ng payong para makapunta ako sa car lot kaso naalala ko nga palang nagpaalam sya sakin kaninang morning na may lakad daw sya kasama ng barkada nya. Niyaya pa nga ako nun na sumama sa kanila kaso may pang-afternoon classes pa ako. Hanggang sa biglang may lumapit sa aking babae habang nakaupo ako sa may lobby at nagpapalipas na tumila ang ulan.

“Neng, ikaw si Ayako ano? Yung laging kasama ng anak ko?” pambungad ng babae. Naku patay! Mommy to ni Ken!

 “Po? Hmm, si Ken po ba? Ahm, opo.” Natatarantang sagot ko. E kasi naman, kahit mabait yung approach nya, may strict aura akong nararamdaman sa kanya.

“Ah ganun ba? So, boyfriend mo na ba ang anak ko?” sita ulit nya pero sa mahinahong boses pa rin.

“Opo ma’am.” Sabay tungo ko. Ewan ko ba kung bakit hiyang hiya ako sa Mom nya.

“Ganun? Well, payo ko lang sayo, ingat ka dun sa anak ko ha?” pananakot nya. Bakit ganun ang sinabi nya? Nangangagat ba yung anak nya?

“Hmm, opo.” Maikling sagot ko.

“Nga pala, may inaantay ka ba dito? Kasi napansin kong kanina ka pa nakaupo dito e.” pag-iiba nya ng topic.

“Wala po ma’am. Nagpapalipas lang po ako ng ulan. Dala ko po kasi tong mga books ko. Wala po kasi akong payong na nadala kaya po hinahantay ko na lang pong tumila ang ulan.” Paliwanag ko. Bakit ba naman kasi sa dinami-raming oras na pwedeng umulan e ngayon pa?

“Ah kaya pala. O sya, sumabay ka na sa amin ng kasama ko paglabas.” Pag-anyaya nya.

“Ha? Ahm, wag na po. Nakakahiya po.” Tanggi ko.

“Sige na. Wag ka nang mahiya. Wag mong sabihing tinatanggihan mo ang alok ko.” Paninindak nya pero kalma pa rin sya.

“Ok po.” Maikling sagot ko.

“Saan ka nga pala umuuwi neng?” tanong ng Mom ni Ken nang makarating na kami sa parking lot.

“Makati po Ma’am.” Maikling sagot ko. Sa totoo lang, naiilang akong makipag-long convo sa Mom nya. Nga pala, sa may Sampaloc lang nakatira sina Ken kaya super lapit nya talaga sa campus at walking distance pa.

He loves me. He loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon