Chapter 2: Summer Blues

5 0 0
                                    

Summer na. Ibig sabihin nito syempre ay 2 months na bakasyon! Yehesss! Nagiisip ako kung anong magandang gawin ngayon habang wala pang pasok.

Pero teka, san nga ba ako papasok at anong course ang kukunin ko? Wait, itext ko kaya si Jillian. Di ako makapgisip magisa e. Or ask ko na lang kaya si Ma at Pa? Urgh! Ewan. Miniminimaynimo?

Kinuha ko ang iphone ko na graduation gift sakin nina Ma at Pa. Di ko naman gusto ito e kasi mas gusto ko yung keystone lang. Yung mga tipong 3310 ang peg para di takaw nakaw. Pero wala din naman akong choice. Nabili na nila e tsaka sayang na din. Pangsosyal kaso takaw nakaw! hehe! Ang gulo ko no?

Tsk. Ang daldal ko talaga. Muntik ko nang makalimutan na itetext ko pa si Jillian.

Me: Bessy, meet tayo sa mall. Now na.

Jillian: Oh bessy, napatxt ka ata. Ha? As in now na? Nasa mall ka na?

Me: Tongek! Ano ako shungang magaantay sa mall? Niyayakag pa nga lang kita e?

Jillian: Ah. Hehe. Oo nga ano. Sya sige. Wait lang. Maliligo pa ako.

Me: Ano??! Maliligo ka pa lang? Heller! Anong oras na! 2Pm na kaya!

Jillian: E Bessy kagigising ko lang kasi nung saktong nagtext ka. Text kita pag papunta na ako sa mall. Teka san nga pala sa mall?

Me: Ah. ok. Starbucks na lang.

Jillian: Ok bessy got it!

Me: Bilisan mo a! Ayoko ng naghihintay!

Jillian: Opo boss! :)

-end of convo

Di ko na nireplyan ang unggoy na un kasi K lang naman din ang isasagot ko. Sayang din kasi ang piso. E? nanghinayang pa ako e nakaplan pala tong phone ko. Basta tinamad na lang akong nagreply.

2:30 pm na. Hay naku siguradong di pa tapos magayos yung bruha na yun. Nagsimula na rin akong magbihis. Polo shirt lang with matching plain sando underneath tapos shorts lang. Tinatamad akong magpants tutal summer na din naman e. In na rin ako sa panahon. Nag slippers na lang din ako at dahil nagpapedicure kami ni Ma kahapon, keri kong ipagmalaki ang paa ko.

Nang biglang tumunog phone ko. Beep! 1 message received. Si Jillian pala ang nagtxt. Papunta na daw sya.

At dahil nakaplan ako, tinawagan ko na si Jillian at sinabi kong papunta na rin ako.

Pagkababa ko sa kwarto ko, hinanap ko yung mga tao sa bahay para magpaalam. Naikot ko na yata ang buong bahay at dahil inis na inis na ako dahil biglang mga naging multo ang mga kasama ko e hinanap ko na lang ung car keys para ako na lang magmaneho ng kotse.

Nasa garage na ako at akmang sasakay na sa drivers seat ng may biglang humawak sa braso ko.

"Oh shit!" pasigaw kong sabi.

"Ay mam sorry po kung nagulat po kayo. Ipagddrive ko na po kayo. San po kayo pupunta?" si Manong Ted pala yung driver namin.

"Wag na po manong. Kaya ko naman po. Nga pala, san sina Ma at Pa?" tanong ko naman sa kanya.

"Ay sina mam at sir po?" tanong pa nya.

"Hindi hindi. Yung kapitbahay kako nasaan? pambabara ko sa kanya. Nakakainis naman kasi. Kakasabi ko lang uulitin pa ulit.

"Si mam talaga. Sina sir at mam po nasa isang business trip daw sa Cebu. Maaga po silang umalis kanina kaya di na kayo naantay na magising." paliwanag ni manong Ted.

"Ah ok. May iniwan ba sila para sakin?" tanong ko ulit.

"Ah meron po mam. Eto po." sabay abot sakin ng sobre na medyo makapal ang laman.

He loves me. He loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon