At un nga. Buong klase nagpunta sa guidance office para lumafang ng meryenda ng faculty este para pakainin ng katakot takot na sermon.
Nagsalita ung kagalang galang naming guidance counselor, si Ms. Dimayacyac. Matandang dalaga. Chubby. Rich. At higit sa lahat terror ng lahat ng estudyante sa eskwelahan namin.
"Mr. Dimapilit, anong ibig sabihin nito? Bakit nandito ang buong klase mo nandito sa opisina ko?" sabi nya sa kalmado pang boses.
Napatingin kami sa prof namin at kitang kita namin na butil butil ang pawis nya sa mukha nya. Nagbubulungan ang buong klase at ung iba e ngumingisi pa ng palihim.
"I repeat. Mr. Di - naputol ang sasabihin ni Ms. Dimayacyac ng biglang nagsalita si prof.
"Sinasagad na ng class na to ang pasensya ko madame. Puro gulo na lang ang dala nila. Puro pranks. Mga wala namang binatbat sa klase!" pagalit nyang sabi.
"And who do you think you are para magsisigaw sa opisina ko?" tugon ni GC kay prof.
Natahimik si prof at akmang magsasalita ulit ng nagsalita ulit si GC.
"And you students? What the hell are you doing this whole school year? Mga graduating students pa naman kayo! Isang buwan na lang ang aantayin nyo di pa kayo tumino! Gusto nyo bang di kayo lahat makagraduate at iexpel ko kayo lahat sa school na to?!" pagsesermon nya.
Natahimik ang lahat. Yung ibang mga kaklase ko halos umiyak na. Ako naman di na nakapagpigil na magsalita.
"But Madame, this is not the whole class fault. And those people liable here are some of my classmates whom are so bully to others like us for example to Mr. Paulo Gomez."
"And who are you to speak for this class? Are you the class president? sabi ni GC.
"No madame. I am just an ordinary member of this class whom is just concerned to my fellow classmates." dagdag ko.
Nagpalakpakan ang halos lahat ng kaklase ko maliban dun sa class officers namin.
"Silence! And what is your name young lady?" tanong ni GC.
"Ayako Velasquez madame." sabi ko.
"Well. That was very brave of you young lady for this class. At pwede bang sabihin mo sakin kung sino ang may pasimuno ng mga pranks sa klase nyo?" sabi ni GC.
"I do not have the right madame to pinpoint those people but I am sure that this time they will feel guilty for this event." tugon ko.
Tumayo si GC at isa isang pinagtitingnan ang klase at ang galing nyang kumilatis ng tao. Napinpoint nya kung sino ang may sala by scanning their reactions.
"Gallardo, Tamayo, Hernandez, and Lopez, bring your parents here tomorrow for some talk. And the rest of class, you may go now but wait. I will be watching you. Ms. Velasquez. You did a great job today." sabi ni GC.
Nagapiran pa ang mga walang sala sa klase at super pathank you pa sila sakin sa ginawa ko. Syempre kung di dahil sakin e siguradong lahat kami kick out sa school na to. Samantalang yung apat na bully naman e ang sama ng tingin sakin at bumulong pa na "humanda ka Ayako. May araw ka rin samin."
Napatawa na lang ako sa sinabi ng apat at nasabi ko na lang na di sila makakaganti sakin kasi takot ung mga un na di makagraduate. Hehe. *evil laugh*
Ilang araw na lang graduation na. Di ko pa alam kung anong magiging speech ko. Leche kasi. Lagi na lang akong isinama nitong si Jillian sa mga date nya at gala nya. Ano ako chaperon nya? hay. Ganun na nga. Minsan nga napagkakamalan pa nung kadate nya kasi mas maganda ako sakanya ng 10 na paligo. Hehe. Pero maganda din naman si Jillian. Yun nga lang may lahi kasi akong Japanese kaya maganda talaga ako. Tsaka obvious naman sa name ko di ba?
Graduation na. Tae. Halos wala akong tulog sa pagsasaulo ko ng speech ko. Wala naman akong choice kasi ako yung napili nila para maging valedictorian! Aw! Achievement! Pero di pa din ako masaya kasi di ko na makakasama ung ate ko. *tears*
Hephep! Tama na nga ang drama at masisira make up ko! Pawisan na ako. Di pa nagsstart ang ceremony. Teka nasaan ba sina Ma at Pa? Tsk. Sabi ko naman na dapat 8 am nandito na sila sa gym.
"Bessy! Congrats! Sa wakas magcocollege na tayo! San ka papasok? Dapat parehas tayo ng course ha?" pangaaliw ni Jillian kasi halata nyang buryong na buryong na ako kasi wala pa mudra at pudra ko.
"Ha? A e ewan. Bahala na. Kung san ako papapasukin nina mudra e di dun ako. Teka anong course ba gusto mo itake?" tanong ko kay Jillian.
"Hmm ano nga kayang magandang course? Ah! dapat ung walang math!" sigaw naman nya. Paborito nya kasi ang math e este enemy nya pala.
Ewan ko ba sa unggoy na to kung pano to nakagrduate. Siguro dahil sa notes dahil masipag syang magsulat at lagi syang complete attendance.
"Siguro maglalaw na lang ako." sabi ko.
"e? wag yun. Baka tumanda kang dalaga gaya ni GC. Hihi!" patawang sabi ni Jillian.
"Gaggy! E kung ibaon na lang kaya kita dyan sa kinauupuan mo at ng di ka makagraduate?" pagalit kong sabi.
"Ano ka ba naman Bessy! Sabi ko nga tatahimik na ako. Pero malay mo bessy, baka pagtungtong natin ng college, magkaboyfriend ka na for real!!!" dagdag pa nya.
"Pfft! Boyfriend boyfriend na dyan! Aral muna bago pagibig! sabi ko.
"Sus. Ui si bessy namumula!" sabi nya.
"E kung papulahin ko kaya mukha mo sa suntok? sarcastic kong tanong. Take note. May pagkabayolente po ako. Kahit bff pa kita. Hehe. *evil laugh*
"Hehe. Joke lang bessy. Peace! Mwa! Ui andyan na sina tito at tita o!" saba turo naman sa padating kong mudra at pudra.
Naupo na sina ma at pa sa may bleacher at nilapitan ko naman sila.
"Bakit ang tagal nyo? San pa kayo nagsusuot? Tanghali na o! Buti umabot pa kayo bago magstart ang ceremony." paangal kong paninita.
"Bebe pasensya ka na samin ha. Binilhan ka pa namin kasi ng Papa mo ng makakain e. Alam kasi naming di ka nagalmusal kanina kaya eto kain ka muna." sabi ni Mama sa akin. Si Papa naman tumawa lang at sabay sabing proud na proud daw sila sakin.
"Ah ganun po ba. Salamat Ma at Pa for the efforts at pagpapasensya sa ugali ko." naiiyak kong sabi.
"Tahan na anak. Yan magsisimula na ang ceremony. Retouch ka muna at dahil araw mo to kelangang maganda ka." alo naman sakin ni Ma.
"Thanks Ma, Pa. Mahal na mahal ko po kayo. Sige po punta na po ako sa pwesto ko." pagpapaalam ko sa kanila. Tumango naman sila pagkasabi ko.
Grabe muntik na akong madapa dun sa stage kasi andun upuan ko. Yiikees! Sana walang nakakita kasi as in super nakakahiya. Buti na lang nakabawi ako agad at nakatayo ng may poise na para bang yung mga nadadapang contestants sa beauty contest.
At narinig ko ang palakpakan at cheer ng mga kaklase ko at syempre nangunguna dun si Jillian. Parang shunga lang e! Pati ung faculty pinalakpakan ako. Grabe kakahiya talaga at buti na lang maganda ako! Hehe.
At natapos na ang graduation. Di ko na iisaisahin ang naging proseso kasi halos lahat naman ng tao alam un di ba?
Ayos naman ang resulta. Di naman ako nabulol sa speech ko kahit pure english gamit ko. Ano ba namang masamang espiritu ang sumapi sakin at napapenglish ako sa speech? Grabe nosebleed a.
Nagtake kami ng aming class picture. Yun iba naman nagselfie pati ung mga kamaganak ng grumaduate nagselfie din na nakatoga? Anubeyen?
Anyway, nakagraduate na ako. Kami ni Jillian. Kami ng mga kaklase kong mababait, bully, kupal, antukin, mahilig mangopya, atbp.
Ano kayang magiging kapalaran ko pagtungtong ko ng college?
At naalala ko ung sabi ni Jillian tungkol sa boyfriend?
Ugh. Aral muna bago puso. Yan ang motto ko.

BINABASA MO ANG
He loves me. He loves me not.
RomanceAuthor's Note: First time ko pong magsulat dito sa wattpad. Pero nagsusulat na rin ako dati sa publication namin. Di muna po ako magbibigay ng hint kung anong peg ng story na to. :)) Masasabi kong hindi ito katulad ng typical na story na nababasa n...