Chapter 13:This is it! 🤞🏻

1 0 0
                                    

Nurse Licensure Examination.

Heto na.

Di na ako nakatulog nang maayos sa kakaisip kung anong kakahinatnan ng pinaghirapan namin sa pagrereview.

Nagdecide ako na wag na lang dalhin ang car ko kasi mahirap na dahil malapit sa Avenida ang testing area ko. Don't want to be rude pero I am just taking safety measures.

Time check 4:00 am. Nagstart na ako magbyahe from Makati.

Grabe! Ang sarap magbyahe lalo na kung walang traffic! Pero ang sa akin lang naman, nakakatakot sa kalsada kasi wala pang katao tao at ang sobrang aga pa.

I decided to take the train para mas mabilis ang byahe ko. As expected, walang hassle. Yun nga lang muntik na ako maiwan kanina ng train kasi muntik na ako masarhan ng pinto. Buti na lang at may pagkarunner din ako. Hohoho!!!!

Bambang.
Dito na ako bumaba para lalakarin ko na lang papaunta sa testing area ko. Umabot din ako ng 2 hours sa byahe.

6am na.
Mabuti naman at may natatanaw na akong sikat ng araw at feeling safe na ako.

Walk. Walk. Walk.

Di naman ako masyadong nagmadali sa paglalakad. 7am pa naman ang call time. 10 minutes lang ang inabot nang marating ko ang testing area.

Nagsimula na ako magcheck sa mga rooms kung san ba ako nakaassign. Inabot din ako ng 15 minutes sa pagbbrowse ng pangalan ko at finally nahanap ko din testing room ko.

Oo nga pala. Nalimutan ko mabanggit. Elementary school itong testing area ko. Ok naman sya. Di naman masyadong malapit sa kalsada at sa mga establishments kaya less ingay at more pabor sa akin. Ok din ang mga desks kasi kahit public school to e ayos naman mga facilities dito. Akala ko magagamit ko ung baon kong hard board e. Baka kasi butas butas yung mga desk.

Back to reality.

6:45 am.
15 minutes before the call time.

Kumakalam na ang sikmura ko. Kumain naman ako kahit konte sa bahay bago ako umalis pero parang gutom na ako ulit.

Relax! Wew! Kaya ko to!
Para akong sira ulo at binubulungan ko sarili ko.
Pinagtitinginan na ako ng mga kasama ko sa room pero wala akong pakialam sa inyo! Nagcoconcetrate ako! (Sigaw ko using my mind lang)

.....
Good morning.
Nahinto ang pagmemeditate ko nang biglang may dalawang tao na pumasok sa room at biglang nagsalita.
Shit! Muntik na ako mapasigaw. Grabe ang kaba ko ngayon. Parang lalabas na yung puso ko sa dibdib ko. Nag-aral naman ako pero bakit ganun parang tumatagas yung mga sinaulo ko sa tenga ko????

Kalma lang. Para sa ekonomiya ito.
Proctor pala ung pumasok at tsaka isang watcher.

Ok. This is it.

Nagstart na magexplain ng mechanics ang proctor at tahimik lang kaming nakikinig ng mga kasama kong examinees. Take note, galing pa sa iba't ibang schools and universities ang mga kasama ko. Ni hindi ko man lang alam mga pangalan nila. Sabi nga nila, wag mo kaibiganin ang mga kasama mo sa room kasi ang isa sa inyo babagsak! Hahaha! Kakatawa pero naniwala naman ako.

Nagthrowback lahat ng mga tinuro ng review center sa akin at napa Wow Magic ako. Parang may leakage e at un na un talaga! Hahahaha. Char. Yung itsura kang naman ng shading sheet ang parehas pati mechanics.

Set B. Yang ang set ng Test Booklet ko.
Heto na talaga yun. Binigyan kami ng 1 & 1/2 hr para   Tapusin ang isang NP containing 100 questions.

2 days nga pala ang Examination Period.
Tatlong Nursing Practice sa Day 1 at dalawan sa Day 2.

Grabe! Comprehensive Type ang Exam lalo na sa Community Nursing. Yun pa naman ang ayaw na ayaw ko. Ala! Bahala na. Power of elimination na lang strategy ko.

After ng 1st day ng exam e dumiretso na ako sa bahay para ipahinga ang katawan at utak ko.

Humiga. Nag-isip. Bumangon ulit.

Di ako mapakali. Napapaisip ako kung kakainin ba ng machine ung shading sheet ko. Kung sakto lang ba yun diin ng shade ko o hindi???

The F***!

Makatulog na nga lang. Bagong battle na naman bukas.

Day 2. NP4 at NP5.
Dalawa sa mga major na gusto ko at pinagnilayan ko talagang pag-aralan at isaksak sa kukote ko.

The usual. Nagcommute ulit ako. Di naman naulit ung incident kahapon na muntik na ako maiwan ng tren.

NP4 done. Breaktime done.

Last na! NP5 na!

Psychiatric Nursing. Paborito ko sa lahat.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot ko ng bigla akong napapikit at nakatulog.

Tick tock. Tick tock. Tick tock.
Ilang beses na paulit ulit kong naririnig sa utak ko.

Nang bigla akong mapabalikwas at mapatingin sa oras.

Shit!!!! 30 mins to go na lang at pasahan na!

Shit talaga nasa #50 pa lang ako ng test questionnaire ko. Pota naman bakit ba ako nakatulog!!!!!

Halos magpanic ako kasi kakapusin ako sa oras. Kalahati pa ang sasagutan ko. Kinalma ko ang sarili ko at binilisan ang pagsasagot para umabot ako sa pagtatapos ng exam.

Hooo!!! Just in time. Di naman nagsala pagsshade ko sa shading sheet. Buti na lang natrain kami ng maayos sa review center.

Grabe halos mangiyak-ngiyak na ako dahil akala ko di ko matatapos sagutan yung NP5. Tinanong ako ng proctor ko kung ano ba problema ko at nginitian ko lang sya sabay tayo at umalis na.

....

3pm.
Maaga pa naman.

Nagdecide akong magpunta muna sa Baclaran Church para magsimba at magpasalamat. Malapit lapit na rin naman sa bahay namin yun.

Ang daming tao. Daig pang may pyesta. Yan lagi ang scenario at ganap dito kahit wala namang okasyon.

Nakahinga na ako nang maluwag dahil natapos na ang exam period. Ang tanging iniintay ko na lang ay ang exam results at dun na magkakaalaman kung talagang para sa akin ba talaga to.

Ring. Ring. Ring.

Sunod sunod ang tunog ng phone ko.
Si mama tumatawag.

"Anak nasaan ka ba?" Si mama.

"Ma, nandito lang ako sa Baclaran. Nagsimba lang. pauwi na rin po ako" sagot ko.

"Ah sige anak. Ingat ka pag-uwi. Kumusta exams mo?" Pangungulit lang nya.

"Mamaya na ako magkkwento ma. Baka ma-snatch pa tong phone ko dito. Hahaha" patawa kong sagot.

"Sige anak. Magiingat ka. Love you." Beep.

Napangiti ako dahil ang sweet talaga ng mama ko. Hapon na nga pala. Kaya pala tinawagan na ako.

Author's Note:
Sorry po sa last 3 chapters na super iikli. Medyo natagalan bago makapagupdate. Salamat!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He loves me. He loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon