First day of school.
Grabe! Ang dami palang students dito sa UST! (Malamang university nga di ba? Natural madami talagang pumapasok dito). Teka, nasaan na nga ba tong si Jillian? Takte, first day of classes wala pa akong kakilala. Siya lang kasi ang inaasahan kong kabuddy ko kasi nga freshman pa lang kami.
At nagbeep ang phone ko.
Beep! (with vibrate pa yun a? Kasi naman madalas may pagkabingi ako at pag nasa pocket ko ang phone ko di ko napapansin na may tumatawag na pala o kaya may nagtetext na pala)
“Oh Bessy Ayako! Where ka na? Dito na ako sa quadrangle” text ni Jillian.
“Ha? Ah e di ko nga alam kung nasaan ako ngayon e. Anong oras ka pa ba nadyan? Tsaka san ba yang quadrangle?” reply ko.
“Nubenemenyen! Bessy naman e? Yang malaking soccer field na nakikita mo yan na ang quadrangle! 15 minutes na ako nandito kakaantay sayo. Dito ako sa bench sa may tapat ng church” reply nya ulit.
“Ah dyan ba? Hehe! Sorry po! Sige na. I’ll be there in 10 minutes. Bye! J” last text ko kay Jillian. Kasi naman e! Bakit ba di ko naisipan na yayain si Jillian na maglibot ditto sa university nung nagenroll kami? Yan tuloy para akong naliligaw na pusa ngayon. Tsk!
Sa quadrangle.
“Hi Ayako! Tagal mo. Hmp!” pagtatampo pa ng bruha.
“Sorry na. Sige ka, kapag pinagpatuloy mo pa yang pagtatampo dyan papangit ka! Magiging kamukha mo si Mommy D!” pangloloko ko sa kanya.
“Aish! Don’t say bad words bessy! Baka mabalis ako sa mga sinasabi mo e” pagmamaktol pa nya.
“Hehe. Just kidding bessy. Halika na! Punta na tayo sa gym. Malelate na tayo sa orientation e” hirit ko.
“K fine. Tara!” sabay hila sakin.
“Aw! Dahan dahan naman bessy. Matitipalok ako sa ginagawa mong paghila sa akin e.” pagrereklamo ko.
“E kasi naman po, ang arte arte lang ng peg mo ngayon. May pagwewedge ka pang nalalaman dyan!” pagsisita nya.
“Tse! Kung makasita ka naman dyan para kang si Ma! Hmp! First day kasi e kaya syempre dapat good looking ang outfit ko ngayon. Alam mo na, baka mamisinterpret ako ng mga students dito na t-bash ako” pageexplain ko.
“Oo na oo na. Good move yan bessy! Ikaw na! I-pack up mo na kasi dapat yang si Jason Statham mo at ilabas mo na yang si Angelina Jolie mo! Ako na bahala sa makeup mo at red stiletto mo!” pangookray nya.
“At san mo naman nakuha yang pinagsasabi mo ha?” pagsita ko.
“Wala lang. Naisip ko lang” sabay tawa nya.
Sa gym.

BINABASA MO ANG
He loves me. He loves me not.
RomanceAuthor's Note: First time ko pong magsulat dito sa wattpad. Pero nagsusulat na rin ako dati sa publication namin. Di muna po ako magbibigay ng hint kung anong peg ng story na to. :)) Masasabi kong hindi ito katulad ng typical na story na nababasa n...