Chapter 7: Glimpse

8 0 0
                                    

At sa wakas, inannounce na rin kung sinoang nanalo sa talent night. As expected, ang crew namin ang nanalo. Parang shunga lang si Jillian sa pagtatalon nya sa tuwa. Parang sya ang nanalo ah? Isang kaban na rice, gift check sa SM department store worth of 10,000 php and 3,000 php as cash prize. Oha! Bongga! Pero yung totoo? Aanhin namin ang isang kaban na rice? E di naman kami tumitira sa dorm or nagrerent ng apartment para mangailangan ng supplies? Oh well. Napagdesisyunan na lang ng grupo na ibenta na lang sa ricemill yung rice. Diba? Bright idea!

On the other hand, di na naman ako kinukulit ni Jillian and the rest of the boys about dun sa last performer nung Acquaintance Party. Syempre, iwas pusoy yata tong bida niyo ano? Hehe. Pero gaya na lang ng iniisip ko nung party, talaga bang si Mr. Bank Bumper yun or imagination ko lang kasi ang dami ko lang nainom na punch nung gabing yun? Aish!

Anatomy class. Onga pala 1 year na ang nakalipas at second year college na kami ni Jillian. Ang bilis no? Parang kailan lang freshman pa kami. Ngayon sophomores na kami? Hooray! Parang gusto kong mag-Mcdo?

Nandito kami ni Jillian sa AVR (Audio-Visual Room) para nga sa Anatomy Class namin. As usual, serious much ang peg naming dalawa kasi may pagka-strict yung prof namin. Focus na focus lang kami pati ang buong klase sa mga sinasabi nung prof habang nagroroll ang presentation nya ng biglang-

“Bessy, tingnan mo yung group ng guy na dumadaan sa side” sabay siko nya sakin.

“Sssh! Ano ka ba Jillian? Baka mahuli tayo ni prof oh? Ingay mo!” pagsaway ko sa kanya.

“Don’t ya worry bessy. Nakatalikod pa naman si sir e. Sige na.” pangungulit nya.

“Eh bakit ba? Ano bang meron-“ naputol ang pagrereklamo ko kay Jillian nang napatingin ako dun sa side ng room namin. Bigla ko namang ibinalik yung tingin ko sa prof namin na daldal ng daldal sa front.

“Kita mo ba siya Bessy? Ayun oh. Kanina pa sya pauli-uli dyan at nakatitig sa yo. Hihi.” Sabay turo nya dun sa guy.

“Yada-yada. Nakita ko na. Eh ano naman kung nakatitig sya?” kunwari kong pandededma sa kilig factor na nafefeel ko. Mr. Bank Bumper, utang na loob, don’t distract me this much please!

“Di ba gwapo sya bessy? Tsaka di ba sya yung kumanta last year sa Acquaintance Party?” pangungulit nya ulit.

“Hmm ewan. Sya ba yun? Di ko kasi sya namumukhaan e.” tanggi to the max ko.

“Talaga lang a? Eh bakit nagfuflush ka dyan? Este nagbublush pala?” kulit talaga nya.

“Di noh! Nagaadjust lang ang body ko sa cold temperature ng room na to. Thermoregurelation process. Gets mo?” pageexplain ko.

“Wooh! Maka-pathophysio ka naman dyan? Wagas! Pero nagtataka lang ako bessy a? Why di natin sya madalas nakikita sa campus this past year?” pagtatanong ni Jillian.

“Aba malay ko. Try mo kayang tanungin sya ng diretso. Baka sagutin ka niya. Tsaka kesa iwaste mo time mo sa pangiintriga sa guy na yan, why don’t you listen and focus na lang kay prof? Can’t you see na nakakahalata na sya na nagchichismisan na tayo dito?” pagsesermon ko sa kanya.

He loves me. He loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon