Chapter 8: Feature Partners

6 0 0
                                    

Natapos ang meeting around 11am. Grabe ang tagal din nun ah. Pati history nung pub inire-echo pa sa amin. Hay. Tapos eto pa ang malupit, kailangan daw naming gumawa ng feature articleand by twos daw? And wala pa kaming choice kung sino ang magiging partner namin. Si Sir naman kasi. Why you gotta be so rude? Guess who kung sino ang partner ko? Si Ken lang naman. Aish! Paano ako makakagawa ng matinong article nito kung siya ang kasama ko? So help me God. Amen.

As usual, nasa bench na naman ako dito sa may quadrangle. Nagmumuni-muni at nag-iisip kung saan kaya magandang kumuha ng scoop para sa gagawin naming feature article nang may biglang humila sa headset ko na nakalagay sa tenga ko.

“Aw! Ano bang problema mo?!” Napatigil ako nang makita ko kung sino yung taong nanggugulo sa akin.

“Hi Ayako! Sorry kung nagulat kita. Busy ka?” tanong ni Ken.

“Hmm medyo. Bakit? Anong kailangan mo?” pagtataray ko para di mahalata na kinikilig ako.

“Ano nga palang gagawin nating article? 2 weeks lang kasi ang ibinigay na time frame sa atin e. May idea ka na ba?” tanong nya sa akin. Hoo! Akala ko kung ano nang sasabihin nya. Tungkol lang pala sa article namin.

“Hmm, nag-iisip pa nga ako. Wait a.” and kunwari nag-iisip ako pero sa totoo lang may naisip na talaga ako kanina pa nung wala pa siya.

“Tick tock. Tick tock. Tick tock.” Pangungulit ni Ken.

“May naisip na ako. Yung – naputol ang sasabihin ko nang makita kong titig na titig sya sa akin.

“Ano nga ulit sinasabi mo?” tanong nya ulit habang nakatitig sya sakin.

“Ah e sabi ko may naisip na ako. Familiar ka sa mga prosthesis? Yung mga artificial arms and legs etc?” tanong ko sa kanya.

“Yun ba? Ya. Sort of. Bakit yun naman ang naisip mo?” sagot naman ni Ken.

“Bago ko sagutin yang tanong mo, pwede bang wag mo ako masyadong titigan? Nakakailang e.” nakakakilig man e pinigilan kong kiligin.

“Sorry. Di ko lang kasi maiwasang di ka titigan e. Cute mo kasi.” Pambobola niya.

“Tse! Tigilan mo na nga pambobola mo dyan. Back to business na tayo!” utos ko sa kanya.

“Roger boss!” sabay hand salute nya at may pagtayo pa talaga sya.

“Tsk. O sya. Kaya prosthesis ang naisip kong gawan natin ng article kasi may mga Pinoy na can’t afford na magpagawa nun. So, ang kailangan natin ay maghanap ng may prosthesis business na consumer friendly at affordable ang mga prices. What do you think Ken?” suggest ko sa kanya.

“Well, tingin ko nga maganda yang idea mo. Go ako dyan. Tiwala ako sayo e. Kaw pa. E braniac ka! Hehe.” Panguuto nya.

“Gaga! Tigilan mo nga ako sa kagaganyan mo? This weekend start na tayo?” yaya ko sa kanya.

He loves me. He loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon